Si Jennifer Jane Saunders ay ipinanganak noong Hulyo 6, 1958. Sya ay isang Ingles na artista, komedyante, mang-aawit, at tagasulat ng senaryo. Si Saunders ay orihinal na nakakuha ng atensyon noong 1980s, nang siya ay naging miyembro ng The Comic Strip pagkaraan ng ang kanyang pagtatapos sa Royal Central School of Speech and Drama kasama ang kanyang matalik na kaibigan at kasosyo sa komedya na si Dawn French. Kasama si Dawn, siya ay nagsulat at nag-bida sa kanilang eponymous sketch show na French at Saunders, kung saan sila ay magkasamang nakatanggap ng isang BAFTA Fellowship noong 2009. Kalaunan ay tumanggap si Saunders ng parangal noong 1990s para sa pagsulat at pagganap ng kanyang karakter bilang Edina Monsoon sa kanyang sitcom na Absolutely Fabulous.

Jennifer Saunders
Si Saunders noong 2014
Kapanganakan
Jennifer Jane Saunders

(1958-07-06) 6 Hulyo 1958 (edad 66)
EdukasyonRoyal Central School of Speech and Drama
Trabaho
  • Aktres
  • Komedyante
  • mang-aawit
  • Manunulat
Aktibong taon1981–kasalukuyan
Kilalang gawaFrench and Saunders
Absolutely Fabulous
AsawaAde Edmondson (k. May mali: hindi tamang oras)
Anak3, sina Ella Edmondson and Beattie Edmondson
ParangalBAFTA Fellowship 2009 (with Dawn French)

Si Jennifer Jane Saunders ay ipinanganak noong Hulyo 6, 1958 sa Sleaford, Lincolnshire sa England. [1] [2] Ang kanyang ina ay si Barbara Jane Saunders née Duminy, Sya isang guro ng biology at ipinanganak sa France. Ang kanyang ama ay si Robert Thomas Saunders, sya ay nagsilbi bilang isang piloto sa Royal Air Force (RAF). Naabot niya ang ranggo ng kapitan ng grupo, at kalaunan ay nagtrabaho para sa British Aerospace. Mayroon siyang tatlong kapatid na lalaki. [3] [4] Habang ang kanyang ama ay nasa sandatahang lakas noong mga taon ng kanyang pagkabata, ilang beses na nagbago ng paaralan si Saunders. [4] Nag-aral siya mula sa edad na lima hanggang 18 sa mga boarding school at pagkatapos ay sa St Paul's Girls' School, isang independiyenteng paaralan sa kanlurang London. [5] Pagkatapos ng kanyang pag-aaral, nagtrabaho siya ng isang taon sa Italya bilang isang au pair .

  1. Hannah Hamad. Jennifer Saunders — screenonline.org. Retrieved 4 October 2007.
  2. Editors at The Times. Birthdays[patay na link] The Times. Retrieved 5 October 2007.
  3. Decca Aitkenhead. What are you looking at? The Guardian. Retrieved 15 November 2021.
  4. 4.0 4.1 Chrissy Iley. "Farewell French and Saunders", The Times, 12 August 2007; retrieved 15 November 2021.
  5. Griffiths, Sian (12 Hulyo 2015). "Forget university. It's jobs for the top girls". The Times. Nakuha noong 15 Nobyembre 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)