Xerxes I ng Persia
Si Xerxes o Asuero (Persa (Persian): Khshayarsha; Ebreo: אֲחַשְׁוֵרוֹשׁ, Ahashwerosh) (c. 519 - 465 BC), kilala din bilang Jerjes I ng Persiya ('Asuero I ng Persiya) at Asuero ang Dakila o (Ingles: Xerxes the Great), ay isang pinunong Persa (Persian). Siya ang ikaapat na hari ng Imperyong Persa (Persian) sa ilalim ng dinastiyang Akemenida. Sa pamamahala niya, ipinagpatuloy niya ang gawain ng kanyang ama na si Dario I na sakupin ang kalahatan ng Gresya sa pamamagitan ng pagsanay ng pinakamalaking hukbong sandatahan sa sinaunang panahon na umabot sa 300,000 - 2,600,000 (base sa mga kasulatan ni Herodoto tungkol sa kasaysayan) subalit natapos sa isang trahedya noong nagkasagupaan ang mga hukbong-dagat ng mga Griyego sa Salamis at winasak nila ang mga natitirang sundalong Persa (Persian) sa pamumuno ni Pausanias sa labanan sa Plataea. Dahil sa galit ng ibang opisyal sa nangyari sa Gresya, pinatay siya ni Artabano, isang kapitan ng mga guwardiya sa palasyo doon sa Susa.
Asuero I ng Persiya Jerjes I ng Persiya | |
---|---|
Khshayathiya Khshayathiyanam, Hari ng mga Hari | |
Paghahari | 486 - 465 BK |
Koronasyon | Oktubre 485 BK |
Kapanganakan | 519 BK |
Lugar ng kapanganakan | Susa, Imperyong Persa (Persian) |
Kamatayan | 465 BK (54 edad) |
Lugar ng kamatayan | Persiya |
Pinaglibingan | Susa, Imperyong Persa (Persian) |
Sinundan | Dario ang Dakila |
Kahalili | Artajerjes I |
Konsorte | Amestris |
Bahay Maharlika | Akemenida |
Ama | Dario ang Dakila |
Ina | Atossa |
Mga paniniwalang relihiyoso | Zoroastrianismo |
Xerxes I ng Persia Kapanganakan: 519 BCE Kamatayan: 465 BCE
| ||
Sinundan: Dario I ang Dakila |
Hari ng mga Hari ng Persia 485 BCE – 465 BCE |
Susunod: Artaxerxes I |
Paraon ng Ehipto 485 BCE – 465 BCE |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Iran ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.