Ji Sung
- Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Kwak.
Si Ji Sung (ipinanganak bilang Kwak Tae-geun noong Pebrero 27, 1977) ay isang artista mula sa Timog Korea. Kilala siya sa pagganap sa mga Koreanovelang drama sa telebisyon na kinabibilangan ng All In (2003), Save the Last Dance for Me (2004), New Heart (2007), Protect the Boss (2011), My PS Partner (2012), Secret Love (2013) at Kill Me, Heal Me (2015).
Ji Sung | |
---|---|
Kapanganakan | Kwak Tae-geun 27 Pebrero 1977 Seoul, Timog Korea |
Edukasyon | Unibersidad ng Hanyang - Teatro at Pelikula |
Aktibong taon | 1999–kasalukuyan |
Ahente | Namoo Actors |
Asawa | Lee Bo-young (k. 2013) |
Anak | 1 |
Pangalang Koreano | |
Hangul | 지성 |
Hanja | 池晟 |
Binagong Romanisasyon | Ji Seong |
McCune–Reischauer | Chi Sǒng |
Pangalan sa kapanganakan | |
Hangul | 곽태근 |
Hanja | 郭太根 |
Binagong Romanisasyon | Gwak Tae-geun |
McCune–Reischauer | Kwak T’aegŭn |
Talambuhay
baguhinParehong tagapagturo ang kanyang mga magulang, at inaasahan si Ji Sung na pumasok din sa propesyon ng pagtuturo. Ngunit noong kanyang sopomorong taon sa mataas na paaralan, binilhan siya ng kanyang ama ng VCR at ang unang pelikulang nirenta niya ay ang Rain Man. Tumatak sa kanya ang pag-arte ni Dustin Hoffman sa pelikulang iyon at doon siya nagpasya na magiging artista siya, sa kabila ng pagsalungat ng ama niya.[1][2] Sa kalaunan, nag-aral siya Teatro at Pelikula sa Unibersidad ng Hanyang.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Healing Camp: Episode 3 (Guest: Ji Sung). Healing Camp, Aren't You Happy (sa wikang Ingles). Seoul Broadcasting System. 1 Agosto 2011.
{{cite midyang AV}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ha, Soo-jung (12 Hulyo 2014). "Interview: Ji Sung Says Jogging 15 Kilometers Every Morning Has Changed His Life". enewsWorld (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-10-02. Nakuha noong 2014-07-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)