Si James Joseph "Jim" Parsons (ipinanganak 24 Marso 1973) ay isang Amerikanong artistang lalaki sa telebisyon at pelikula. Siya ay kilala para sa kanyang pagganap bilang Sheldon Cooper sa isang CBS sitcom na pinamagatang The Big Bang Theory , ang kanyang pagganap dito ang itinuturing na dahilan para sa tagumpay ng programa. Siya din ay nakatanggap ng ilang mga parangal para sa kanyang pagganap, kabilang ang Television Critics Association award, isa sa pinakamataas na tagumpay sa larangan katatawanan sa telebisyon,sa kanyang mga napanalunan, ang National Association of Broadcasters Television Chairman's Award para sa kanyang pambihirang tagumpay sa disiplina ng pagarte, dalawang magkakasunod na Emmy para sa Outstanding Lead Actor in a Comedy Series, at ang Golden Globe Award para sa Best Actor in a Television Series Musical or Comedy.

Jim Parsons
Kapanganakan24 Marso 1973
  • (Houston, Harris County, Texas, Estados Unidos ng Amerika)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
NagtaposUnibersidad ng Houston
Unibersidad ng San Diego
Trabahoartista sa telebisyon, artista sa teatro, artista sa pelikula, tagapagboses, artista, prodyuser ng pelikula
Asawaunknown (13 Mayo 2017–)

Kasaysayan

baguhin

Si Parsons ay ipinanganak sa Houston, Texas, ang mas nakakatanda ng dalawa pang bata. Pagkatapos ng kanyang pagganap sa isang produksiyong pampaaralan na napamagatang The Elephant's Child sa edad na anim, si Parsons ay natukoy nang magiging isang artista. Ang mga batang Parsons ay mabigat na naimpluwensiyahan ng mga sitcoms, tulad ng Three's Company, Family Ties, at The Cosby Show. Sa Klein Oak High School na nasa Spring, Texas, siya nagaral at dun niya masasabing unang nakaramdaman sa tawag ng damdamin na siya talaga ay pinanganak upang maging artista, ayon nga sa kanya "I fully connected with the role I was playing and started to truly understand what it meant to be honest on stage". Pagkatapos ng kanyang pagtatapos mula sa mataas na paaralan, si Parsons ay nakatanggap ng isang undergraduate degree mula sa University of Houston. Marami siyang oras nung mga panahon na ito kaya't nakaganap siya sa 17 na produksiyon sa loob lamang ng 3 taon. Siya din ay isa sa mga tagabuo ng Infernal Bridegroom Productions. Si Parsons ay pumasok ng graduate school sa University of San Diego noong 1999. Siya ay isa sa pitong mga estudyante na natanggap dun sa pangdalawang taon lamang na espesyal na kurso sa pag-arte. Ayon nga sa isang direktor ng programa na si Rick Seer, "Jim is a very specific personality. He's thoroughly original, which is one reason he's been so successful. But we worried, ‘Does that adapt itself to classical theater, does that adapt itself to the kind of training that we're doing?' But we decided that he was so talented that we would give him a try and see how it worked out". Masayang nakatapos ng pagaaral si Parsons, at ayon pa nga sa isang panayam sa kanya, siya nga daw ay nagbabalak pang kumuha ng isang doctorate degree sa pag-arte kung posible, ayon pa kay Parsons "school was so safe!...you frequently would surprise yourself by what you were capable of, and you were not surprised by some things." Si Parsons ay gumraduate noong 2001 at pagkatapos nun ay lumipad na patungong New York.

Karera sa Pagaartista

baguhin

Pagdating ni Parsons na New York, una siyang nagtrabaho sa isang Broadway productions at doon nakakuha ng madaming papel sa telebisyon. Sa isang natalakay na 2003 Quiznos patalastas (commercial),[kailangang linawin] si Parsons ay gumanap bilang isang tao na pinalaki ng mga lobo. Siya din ay nagkaroon ng mga menor na papel sa mga palabas na Judging Amy ,at Ed. Maliban pa dito'y madami ding naging papel si Parsons sa mga pelikula tulad ng Garden State, at School for Scoundrels.

Si Parsons ay tinatantyang nagodisyon sa 15 hanggang 30 na television pilots. Sa mga okasyon na siya'y natatanggap, ang nagiging problema nama'y hindi makahanap ng isang telebisyon network na nais bilhin ito. Maliban sa isang palabas na ngayo'y tinuring na isa sa pinakapinanood ng mga Amerikano ang The Big Bang Theory. Nung nabasa nga ni Parsons ang pilot script nito ay naramdaman na niya talaga na ito na ang magiging big break nya sa industriya, sa kadahilanang si Sheldon Cooper, ang kanyang karakter, ay bagay sa kanyang natural na personalidad. Datapwa't hindi nakaramdam na direktong ugnayan si Parsons sa kanyang gagampanang karakter ay nahumaling naman siya sa mga dayalogong nakahanay sa kanyang skript, ayon nga sa kanya "the writers brilliantly use those words that most of us don't recognize to create that rhythm. And the rhythm got me. It was the chance to dance through that dialogue, and in a lot of ways still is." Sa kanyang odisyon ay nakapagbigay siya ng magandang impresyon para kay Chuck Lorre, ang utak at gumawa sa The Big Bang Theory, pinaulit pa nga ito ni Lorre para makita kung maisasaulit ba ni Parsons ang kanyang unang odisyon. Kay Parsons ibinigay ang papel, isang henyong pisisista na walang panlipunang kasanayan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao maliban sa kanyang iba pang mga nerdy na kaibigan at ang kaakit-akit na serbidorang nakatira sa katapat na apartment. Ang karakter ni Parsons dito ay kinailangan daw siyang maging mabilis magsalita at may maindayog na dayalogo. Inihahandog ni Parsons ang kanyang tagumpay dito sa University of San Diego na siyang nagsanay daw sa kanyang abilidad sa paghimay-himay ng mga komplikadong linya ni Sheldon Cooper.

Ikinukumpara ni Television critic Andrew Dansby ang abilidad ni Parsons sa komedya kay Buster Keaton, isang sikat na silent film stars. Ipinagpupugay ni Lorre ang instincts ni Parsons, sabi nga niya "You can't teach that great sense of control over every part of his body, the way he walks, holds his hands, cocks his head, the facial tics". Ayon naman kay Reviewer Lewis Beale si Parsons naman daw ay "so spot-on", kumbaga ay lumalabas na si Jim Parsons ay unti-unting nagiging si Sheldon Cooper na talaga. Sabi nga ni Parsons "more effort than I ever thought a sitcom would take. And that's really the fun of it."

Noong 2009 Agosto, napanalunan ni Parsons ang the Television Critics Association award for individual achievement sa komedya, ilan sa mga natalo niya dito ay sina Alec Baldwin, Tina Fey, Steve Carrell, and Neil Patrick Harris. Siya din ay nanomina para sa napakaprestihiyosong Emmy awards noong 2009 at 2010, kung saan nanalo siya noong 2010 bilang Outstanding Lead Actor in a Comedy Series. Noong 2010 naman ng Setyembre, si Parsons at ang iba pa niyang costars na sina Johnny Galecki and Kaley Cuoco ay pumirma ng bagong kontrata, kung saan sila ay bibigyan ng siguradong $200,000 kada episode para sa ikaapat na season ng The Big Bang Theory. Silang tatlo din ay pinangakuang bibigyan ng parte sa kikitaan nung mismong palabas mula sa mga sponsor at iba pa. Sa 2011 naman ng Enero ay napanalunan ni Parsons ang Golden Globe award for Best Actor in a Television Series – Comedy.

Ngayong 2011 naman ay lumabas si Parsons kasama sina Jack Black, Owen Wilson, Steve Martin, and Rashida Jones sa isang pelikulang komedya na may pamagat na The Big Year, na siyang binukas sa takilya noong 18-Oktubre. Siya din ang nagbigay boses kay Walter, ang pinakabagong Muppet na pinakilala sa pelikulang The Muppets.

Buhay sa Teatro

baguhin
  • The Balcony
  • Rosencrantz and Guildenstern Are Dead (1994) .... Rosencrantz
  • La Ronde (1995)
  • Endgame (1995) .... Clov (Infernal Bridegroom Productions)
  • Marat/Sade (1995) (Infernal Bridegroom Productions)
  • Guys and Dolls (1996) .... Rusty Charlie (Infernal Bridegroom Productions)
  • Eddie Goes to Poetry City (1996) .... Eddie (New York Theatre)
  • Jack and the Future Is In Eggs (1996) .... Father Jack
  • Othello (1996) (Infernal Bridegroom Productions)
  • Suicide in B-flat (1996) (Infernal Bridegroom Productions)
  • Woyzeck (1996) .... Doctor / Horse's Head (Infernal Bridegroom Productions)
  • The Cherry Orchard (1997) .... Yasha, a young man servant (Infernal Bridegroom Productions)
  • Chili Queen (1997) .... Buddy (Stages Repertory Theatre, World Premiere)
  • Camino Real (1997) .... Baron (Infernal Bridegroom Productions)
  • Last Rites (1997) .... Tiger Clean (Infernal Bridegroom Productions, World Premiere)
  • Threepenny Opera (1998) .... MacHeath (Infernal Bridegroom Productions)
  • Below the Belt (1998) .... Dobbitt
  • In the Jungle of the Cities (1998) .... J. Finnay (Infernal Bridegroom Productions)
  • Tamalalia 3: The Cocktail Party (1998) .... Psychotic psychiatrist (Infernal Bridegroom Productions, World Premiere)
  • King Ubu is King (1998) .... Tom, Mister Nice Guy (Infernal Bridegroom Productions, World Premiere)
  • The Pitchfork Disney (1998) .... Presley Stray (Stages Repertory Theatre)
  • Marie and Bruce (1999) .... Herb / Fred / Waiter (Infernal Bridegroom Productions)
  • Tamalalia 4: The Camp-Out (1999) (Infernal Bridegroom Productions, World Premiere)
  • What Happened Was (2002) .... Jackie (The Paradise Theatre)
  • The Castle (2002) .... Jeremiah (Manhattan Ensemble Theatre)
  • Tartuffe (2002) .... Valère (La Jolla Playhouse)
  • The Love for Three Oranges (Gozzi) (2004) .... Prince Tartaglia (La Jolla Playhouse)
  • The Normal Heart (2011) .... Tommy Boatwright (John Golden Theatre)

Buhay Pelikula

baguhin
  • Year... Film... Role
  • 2003... Nowhere to Go But Up... Casting assistant
  • 2004... Garden State... Tim
  • 2004... The King's Inn... Sidney
  • 2005... The Great New Wonderful... Justin
  • 2005... Heights... Oliver
  • 2006... 10 Items or Less... Receptionist
  • 2006... School for Scoundrels... Classmate
  • 2007... On the Road with Judas... Jimmy Pea
  • 2007... Gardener of Eden... Spim
  • 2011... The Big Year... Crane
  • 2011... The Muppets... Human Walter

Buhay Telebisyon

baguhin
  • Year... Title... Role... Notes
  • 2002... Ed... Chet... Episode: "The Road"
  • 2003... Why Blitt?... Mike... TV Pilot
  • 2004... Taste... Kris... TV Pilot
  • 2004–2005... Judging Amy... Rob Holbrook... 7 episodes
  • 2007–present... The Big Bang Theory... Sheldon Cooper
  • 2009... Family Guy... Sheldon Cooper... Episode: "Business Guy"
  • 2010... Glenn Martin, DDS... Draven... Episode: "Jackie's Get-Witch-Quick Scheme"
  • 2011... The Super Hero Squad Show... Nightmare... Episode: "Blind Rage Knows No Color"
  • 2011... iCarly... Caleb[27]... Episode: "iLost My Mind"
  • 2011... Eureka... Jeep/Carl (voice)... Episode: "Do You See What I See"

Mga Parangal at Nominasyon

baguhin
  • Result Category Award Show
  • 2008 Nominated Best Actor in a Comedy Series Ewwy Awards
  • 2009 Nominated Outstanding Lead Actor in a Comedy Series Emmy Awards
  • 2009 Won Individual Achievement in Comedy TCA Awards
  • 2009 Nominated Best Actor in a Comedy or Musical Series Satellite Awards
  • 2010 Nominated Favorite TV Comedy Actor People's Choice Awards
  • 2010 Nominated Individual Achievement in Comedy TCA Awards
  • 2010 Nominated Choice TV Actor: Comedy Teen Choice Award
  • 2010 Won Outstanding Lead Actor In a Comedy Series Emmy Awards
  • 2011 Won Best Actor - Television Series - Musical or Comedy Golden Globe Awards
  • 2011 Won Outstanding Lead Actor In a Comedy Series Emmy Awards
  • 2011 Won Best Actor in a Comedy Series Critics' Choice Television Awards
  • 2012 Nominated Favorite TV Comedy Actor People's Choice Awards
  • 2012 Nominated Outstanding Ensemble In a Comedy Series Screen Actors Guild Awards

References

baguhin
  1. ^ Oswald, Brad. "The buzz: Jim Parsons as Sheldon". Winnipeg Free Press. Retrieved 13 Pebrero 2009.
  2. ^ Salem, Rob (24 Enero 2009). "Nerd herd doing a bang-up job". The Toronto Star. Retrieved 13 Pebrero 2009.
  3. ^ Gilbert, Matthew (8 Pebrero 2009). "Gentle twists on reliable formulas keep viewers hooked". The Boston Globe. Retrieved 13 Pebrero 2009.
  4. ^ "TCA Awards hail 'True Blood' and (finally) 'Battlestar Galactica'". The Los Angeles Times. 2 Agosto 2009. Retrieved 30 Enero 2010.
  5. ^ "The Big Bang Theory's Jim Parsons to Receive 2010 NAB TV Chairman's Award". BusinessWire. 8 Pebrero 2010. Retrieved 6 Mayo 2010.
  6. ^ "61st Primetime Emmy Awards | Academy of Television Arts & Sciences". Emmys.tv. Retrieved 30 Enero 2010.
  7. ^ a b c d e Cogan, Jennifer (8 Setyembre 2010), "Klein Oak grad takes home Emmy", Klein Sun News
  8. ^ Christie D'Zurilla (29 Agosto 2010). "Shocking Jim Parsons truths revealed after Emmy win". Los Angeles Times. Retrieved 17 Hulyo 2011.
  9. ^ a b c d e Beale, Lewis (18 Enero 2010), "TELEVISION Fast chat with Big Bang Theory star Jim Parsons: Houston native says he doesn't speak Klingon", Houston Chronicle
  10. ^ a b c d e f g h i j Dansby, Andrew (10 Setyembre 2009), "Jim Parsons find smart comedy role", Houston Chronicle: Zest, p. 8
  11. ^ a b Martinez, Olivia (16 Setyembre 2010), "Alum sparks big bang at the Emmys", The Vista, retrieved 2011-09-23
  12. ^ "Comic Relief", Newsweek, 11 Setyembre 2009
  13. ^ Moore, Frazier (24 Mayo 2010), "Jim Parsons finds 'Big Bang Theory' stimulating", Press of Atlantic City
  14. ^ a b Keveney, Bill (8 Disyembre 2008), "Big Bang-up role for Jim Parsons", USAToday
  15. ^ Jakle, Jeannie (5 Agosto 2009), "Jim Parsons adjusts to his celebrity role: Big Bang star leaps from Klein Oak grad to TV popularity", Houston Chronicle: Star, p. 4
  16. ^ Vary, Adam B. (3 Setyembre 2010), "Jim Parsons:The Things I Love Most", Entertainment Weekly
  17. ^ Schwartz, Missy (15 Setyembre 2010), "'The Big Bang Theory' cast gets a big, fat raise", Entertainment Weekly
  18. ^ "The Big Year (2011)". MovieWeb. Retrieved 4 Hulyo 2011.
  19. ^ O'Sullivan, Michael (23 Nobyembre 2011). "The Muppets". The Washington Post. Retrieved 6 Disyembre 2011.
  20. ^ Ng, Philiana (29 Nobyembre 2011). "Jim Parsons Plots Broadway Return With 'Harvey' Revival". Hollywood Reporter. Retrieved 14 Disyembre 2011.
  21. ^ Getlen, Larry (27 Abril 2009). "'Big Bang Theory' Nerd May Get The Girl". NYPOST.com. Retrieved 27 Pebrero 2010.
  22. ^ a b c d e f g h i j k l m n o p "More About Jim". the Catastrophic Theatre. Retrieved 4 Hulyo 2011.
  23. ^ Isherwood, Charles (17 Enero 2002). "The Castle". Variety.
  24. ^ Oxman, Steven (20 Mayo 2002). "Tartuffe Theater Review". Variety.
  25. ^ Hirschhorn, Joel (22 Setyembre 2004). "The Love of Three Oranges". Variety.
  26. ^ Brantley, Ben (27 Abril 2011). "‘The Normal Heart' on Broadway - Theater Review". The New York Times.
  27. ^ Dan Snierson (2011-06-06). "Jim Parsons to guest star on 'iCarly'—EXCLUSIVE". Inside TV. Retrieved 2011-09-14.