Jimmie Lunceford
Si James Melvin "Jimmie" Lunceford[1] (Hunyo 6, 1902–Hulyo 12, 1947) ay isang Amerikanong negrong saksoponista na pang-altong jazz, at pinuno ng banda noong kapanahunan ng tugtuging swing.
Talambuhay
baguhinIsinilang si Lunceford sa Fulton, Mississippi[1], subalit nag-aral sa Denver, Colorado, at nagkamit ng degring[2] Batsilerya ng Sining mula sa Pamantasang Fisk. Nag-aral siya ng musika sa ilalim ng pagtuturo ni Wilberforce J. Whiteman, na ama ni Paul Whiteman. Nagsimula siya sa larangan ng pamumuno ng banda noong 1927. Isa sa mga kakaunting bandang pang-orkestra ang kaniyang grupo noong mga 1930 na nagkaroon ng kahalagahan. Nagkaroon ng impluwensiya ang kaniyang mga tugtugin, karamihan kay Sy Oliver, sa iba pang mga bandang musikero.[1]
Diskograpiya
baguhinMga piling tugtugin ni Lunceford:
- Jazznocracy (1934)
- Rose Room (1934)
- Runnin' wild (1935)
- My blue heaven (1935)
- Organ grinders' swing (1936)
- For dancers only (1937)
- Hell's bell (1937)
- Margie (1938)
- Tain't what you do (1939)
- White Heat (1939)
- Lunceford Special (1939)
- Yard Dog mazurka (1941)
- Blues in the night (1941)
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Jimmie Lunceford, James Melvin Lunceford". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ English, Leo James (1977). "Degri, degree". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na kawing
baguhin- Tahanan at libingan ni Lunceford sa Memphis Naka-arkibo 2008-06-21 sa Wayback Machine.
- Talambuhay ni Lunceford mula sa Swingmusic.net Naka-arkibo 2008-05-09 sa Wayback Machine.
- Si Jimmie Lunceford at kaniyang Orkestra mula sa MySpace.com
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.