Juana I ng Castilla
Si Juana (6 Nobyembre 1479 – 12 Abril 1555), na nakikilala rin bilang Joanna at Juana ang Baliw (Ingles: Joanna the Mad, Kastila: Kastila: Juana la Loca), ay ang unang reynang reynante na namuno sa kapwa mga Kaharian ng Castilla (1504–55) at ng Aragon (1516–55), isang kaisahan na umunlad upang maging ang modernong Espanya.[1] Bukod sa mga kaharian ng Espanya, pinamunuan din niya ang mga kaharian ng Sardinia, Sicilia, at Naples sa Italya; isang malawak na imperyong pangkolonya sa Kaamerikahan at Pilipinas; at ang masaganang Nederlandiyang Burgundiano, na nagpasimula ng pagpansin ng mga Kastila roon. Siya ang huling monarka ng Kabahayan ng Trastámara at ang kaniyang pagkakakasal kay Philip ang Magandang Lalaki (Philip the Handsome) ang nagpasimula ng pamumuno ng mga Habsburgo sa Espanya. Subalit, sa kahabaan ng kaniyang matagal na pamumuno, nasa ilalim ang kaniyang karehiyentehan (pamumuno) sa kaniyang asawa, ama, ingkisidor (mangsisiyasat), o anak na lalaki at matagal siyang natigil sa isang monasteryo (kumbento ng mga madre) dahil sa sakit sa isipan.
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.