Johann Christoph Bach
Si Johann Christoph Bach (16 Hunyo 1671 – 22 Pebrero 1721) ay isang Alemang musikero at kompositor. Siya ang mas nakatatandang kapatid na lalaki ng mas tanyag na Alemang musiko at kompositor na si Johann Sebastian Bach. Si Johann Christoph ay ipinanganak sa Erfurt, kung saan siya ay nag-aral sa ilalim ni Johann Pachelbel, at ang kaniyang aklatan ng musikang pangteklado ay kinabibilangan ng mga akda ni Pachelbel, Johann Jakob Froberger at Johann Kaspar Kerll. Noong 1690, siya ay naging isang organista sa Michaeliskirche na nasa Ohrdruf, at noong 1694 ay nagpakasal siya roon.[1] Namatay siya sa Ohrdruf sa gulang na 49.
Johann Christoph Bach | |
---|---|
Kapanganakan | 16 Hunyo 1671
|
Kamatayan | 22 Pebrero 1721
|
Mamamayan | Alemanya |
Trabaho | organista, kompositor, musiko |
Anak | Johann Bernhard Bach |
Magulang |
|
Pamilya | Johann Sebastian Bach |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Malcolm Boyd: Bach, pp. 7–8, ISBN 0-19-514222-5
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Alemanya at Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.