Johann Christoph Bach

Si Johann Christoph Bach (16 Hunyo 1671 – 22 Pebrero 1721) ay isang Alemang musikero at kompositor. Siya ang mas nakatatandang kapatid na lalaki ng mas tanyag na Alemang musiko at kompositor na si Johann Sebastian Bach. Si Johann Christoph ay ipinanganak sa Erfurt, kung saan siya ay nag-aral sa ilalim ni Johann Pachelbel, at ang kaniyang aklatan ng musikang pangteklado ay kinabibilangan ng mga akda ni Pachelbel, Johann Jakob Froberger at Johann Kaspar Kerll. Noong 1690, siya ay naging isang organista sa Michaeliskirche na nasa Ohrdruf, at noong 1694 ay nagpakasal siya roon.[3] Namatay siya sa Ohrdruf sa gulang na 49.

Johann Christoph Bach III
Kapanganakan16 Hunyo 1671[1]
  • (Turingia, Alemanya)
Kamatayan22 Pebrero 1721[1]
MamamayanGermany
Trabahoorganist, composer
AnakTobias Friedrich Bach
Johann Bernhard Bach the younger
Johann Christoph Bach VIII
Johann Heinrich Bach
Johann Andreas Bach
Magulang
  • Johann Ambrosius Bach
  • Maria Elisabeth Lämmerhirt
PamilyaJohann Sebastian Bach
Johann Jacob Bach

Mga sanggunian baguhin

  1. 1.0 1.1 German National Library; Aklatang Estatal ng Berlin; Bavarian State Library; Austrian National Library, Integrated Authority File (sa Aleman at Ingles), Wikidata Q36578, nakuha noong 11 Mayo 2014
  2. German National Library; Aklatang Estatal ng Berlin; Bavarian State Library; Austrian National Library, Integrated Authority File (sa Aleman at Ingles), Wikidata Q36578, nakuha noong 21 Disyembre 2014
  3. Malcolm Boyd: Bach, pp. 7–8, ISBN 0-19-514222-5


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Alemanya at Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.