Johann Wilhelm Hittorf
Si Johann Wilhelm Hittorf (Marso 27, 1824 – Nobyembre 28, 1914) ay isang pisikong Aleman na ipinanganak sa Bonn, Alemanya at namatay sa Münster. Siya ang unang tao na tumuos sa kapasidad ng pagdadala ng kuryente ng mga may kargang mga atomo at mga molekula (mga iono), na isang mahalagang bagay sa pag-unawa ng mga pagtugon o mga reaksiyong elektrokemikal. Siya ang nagpormula ng mga ion transport number (bilang o numerong panglakbay ng iono) at ang unang metodo para sa pagsukat ng mga ito. Ang lathalaing ito na tungkol sa Alemanya at Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Johann Wilhelm Hittorf | |
---|---|
Kapanganakan | Marso 27, 1824 |
Kamatayan | Nobyembre 28, 1914 |
Nasyonalidad | Alemanya |
Parangal | Medalyang Hughes (1903) |
Karera sa agham | |
Larangan | Pisika |