Johannes Rydberg
Si Johannes (Janne) Robert Rydberg (Nobyembre 8, 1854 – Disyembre 28, 1919) ay isang Suwekong pisiko na pangunahing nakikilala dahil sa pagkakalikha niya ng pormulang Rydberg noong 1888, na ginagamit sa panghuhula ng mga haba ng daluyong (wavelength) ng mga photon (ng liwanag at ng iba pang mga radyasyong elektromagnetiko) na ibinubuga ng mga pagbabago sa antas ng enerhiya ng isang elektron na nasa loob ng isang atomo ng hidroheno.
Ang konstanteng pisikal na nakikilala bilang konstanteng Rydberg ay ipinangalan para sa kaniya, pati na ang yunit na Rydberg. Ang napasiglang mga atom na mayroong napaka matataas na pangunahing bilang na kuwantum, na kinakatawan ng titik na n sa loob ng pormulang Rydberg, ay tinatawag na mga atomong Rydberg. Ang pag-asam ni Rydberg na ang mga pag-aaral na ispektral ay maaaring makatulong sa isang teoretikal na pag-unawa sa atom at sa mga katangiang pisikal nito ay napangatwiranan noong 1913 sa pamamagitan ng gawain ni Niels Bohr (tingan ang ispektrum ng hidroheno). Isang mahalagang konstanteng ispektroskopiko na nakabatay sa isang hipotetikal na atom na mayroong masang walang hanggan ay tinatawag na Rydberg (R) bilang parangal sa kaniya.
Naging aktibo siya sa Pamantasan ng Lund, Sweden, sa kabuoan ng kaniyang buhay ng pagtatrabaho. Ang hukay o crater na Rydberg na nasa ibabaw ng Buwan at ang asteroid na 10506 Rydberg ay ipinangalan bilang parangal sa kaniya.
Mayroong isang gabi ng pub o pub night na idinaraos bilang pagpaparangal kay Rydberg tuwing Miyerkoles sa Kagawaran ng Pisika sa Pamantasan ng Lund.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Bahay-pahina ng The Rydbergs Källare[patay na link] (nasa wikang Suweko).