Si John C. Swallow (ipinanganak noong 1923) ay isang Ingles o Britanikong oseanograpo.[1] Siya ang umimbento ng palutang na Swallow (o Swallow float o neutral buoyance float sa Ingles), isang siyentipikong lumulutang na bote na hiniram mula sa metodo o pamamaraan ng mga mandaragat na nasiraan o nilubugan ng barko (nagpapasok ng mga mensahe ang mga mandaragat sa loob ng mga bote at umaasang dadalhin ito ng daloy tubig at ng hangin sa isang may taong baybayin).[1]

Ang imbensiyon ni Swallow

baguhin

Ginawa ang boteng palutang ni Swallow upang lumubog ito sa isang partikular na lalim lamang ng tubig at doon sa antas na ito mananatiling nakalutang. Kailangan masusundan ito ng mga taong nakalulan sa barko. Ginawa ito upang makagawa ng mga senyal ng tunog papasok sa katubigan. Pinakikinggan ng mga siyentipikong nasa barko ang mga tanda ng tunog na ito upang malaman kung saan naroroon ang bote. Dahil sa palutang ni Swallow, maraming napag-alaman ang mga siyentipiko hinggil sa kung paano dumadaloy ang tubig na nasa kailaliman ng karagatan. Maraming mga pang-ibabaw na daloy, katulad ng Daloy ng Golpo, ang may mga panlabang daloy (mga countercurrent sa Ingles) o mga daloy na dumadaloy sa ilalim ng pang-ibabaw na daloy. Dumadaloy ang mga panlabang daloy papunta sa kabilang direksiyon ngunit nasa katulad na daanan o daluyan ng pang-ibabaw na daloy. Naipakita rin sa mga siyentipiko ng palutang ni Swallow na hindi matatag ang sirkulasyon ng tubig sa loob ng malalim na karagatan, dahil pumupuntang paikut-ikot lang ang tubig, kung minsan, sa loob ng isang malaking ikot o alimpuyo habang mabagal na nakikidaloy.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "John C. Swallow, Measuring Ocean Currents, Movement of Ocean Water, Oceanography". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 33 [titik O] at 568 [titik S].