John Callcott Horsley
Si John Callcott Horsely, binabaybay ding John Calcott Horsley[1], (29 Enero 1817 - 18 Oktubre 1903), ay isang pintor mula sa Inglatera, na anak ng manunugtog na si William Horsley, at kaapu-apuhan naman ni Ginoong Augustus Wall Callcott. Isinilang siya sa London.
Talambuhay
baguhinNag-aral si Horsley ng pagpipinta sa mga paaralang Akademya. Noong 1836, nagkaroon siya ng pagtatanghal na pinamagatang The Pride of the Village o "Ang Dangal ng Nayon" sa Galeriyang Vernon ng Akademyang Royal. Nasundan ito ng maraming mga larawang panghenero sa mga kasunod na mga pagtatanghal hanggang 1893. Ilan sa mga pinakakilala rito ang "Malvolio," "L'Allegro at il Penseroso" (ipininta para sa Prinsipeng Konsorte), "Le Jour des Morts," "Isang Eksena mula sa Don Quixote," at iba pa.
Noong 1843, nanalo ang kaniyang guhit-larawang "St Augustine Preaching" (Nagtuturong San Agustin) ng isang gantimpala sa paligsahan ng Bulwagang Westminster, at noong 1844 napili siya bilang isa sa anim na mga pintor na hinirang para gumawa ng mga fresco para sa Mga Kabahayan ng Parlamento, kung kailan nailagay ang kaniyang "Religion" o Relihiyon (1845) sa Kabahayan ng mga Panginoon; ipininta rin niya ang "Henry V assuming the Crown" (Pagluklok sa Korona ni Henry V) at ang "Satan surprised at the Ear of Eve" (Si Satanas na nagulat sa may Tainga ni Eba). Naging RA o Residenteng Akademiko ("Naninirahang Akademiko") siya noong 1864, at nahalal bilang tagapag-ingat-yaman noong 1882, isang katungkulang nilikmuan niya magpahanggang 1897, kung kailan nagretiro siya at naging isang "retiradong Akademiko."
Si Horsley ang dumisenyo ng pinakaunang kartang pamasko para kay Henry Cole.[1] Nagkaroon ng kontrobersiya hinggil dito sapagkat naglalarawan ang karta ng isang maliit na batang umiinom ng alak. Siya rin ang dumisenyo ng sobreng Horsley, isang uri ng sobreng "binabayaran muna" na naging ninuno ng mga selyo.
Maraming nagawa si Horsley para sa mga paghahanda ng mga pang-taglamig na mga pagtatanghal ng "Mga Matatandang Maestro" o "Mga Sinaunang Maestro" sa Kabahayang Burlington pagkalipas ng 1870. Noong mga 1880, kung kailan nagsimulang makaapeko sa mga tagapagtanghal sa Akademya ang halimbawa ng Pranses na Salon at kung kailan din naging moda ang pagpipinta ng mga hubo't hubad na larawan, nagprotesta si Horsley laban sa mga inobasyon at pagbabago. Nagsanhi ang kaniyang kaasalan sa pagbabansag sa kaniya ng magasing Punch ng katagang Mr J C (lothes) Horsley, o "Ginoong J C (mga damit) Horsley. Ipinalit sa kaniyang pangalawang pangalang Callcott ang Ingles na salitang "Clothes" na nangangahulugang "Mga Damit" (pahiwatig sa "makadamit") sapagkat laban nga siya sa mga larawang walang damit.
Kasapi si Horsley ng Kolonyang Cranbrook.
Naging isang tanyag na manggagamot na siruhano at neuropatolohista ang anak niyang siSir Victor Horsley (isinilang 1857), na naging isa rin sa mga kilalang tagapagtangkilik ng mga layunin para sa mga pananaliksik na mapag-eksperimento.
Sanggunian
baguhinTalababa
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "John Calcott Horsley, Christmas cards, Greeting cards". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bibliyograpiya
baguhinNaglalaman ang artikulong ito ng mga teksto mula sa Encyclopædia Britannica Ika-11 Edisyon, isang publikasyon na nasa publikong dominyo na.