John Tenniel
Si Sir John Tenniel (ipinanganak noong 28 Pebrero 1820 sa Bayswater, London – namatay noong 25 Pebrero 1914) ay isang Britanikong ilustrador (mangguguhit), humoristang grapiko, at kartunistang pampolitika na ang mga akdang-guhit ay naging tanyag noong panahon ng ikalawang hati ng ika-19 daantaon sa Inglatera. Itinuturing si Tenniel bilang mahalaga sa pag-aaral ng mga kasaysayan ng lipunan, panitikan, at sining ng kapanahunang iyon. Ginawa siyang isang kabalyero ni Reyna Victoria noong 1893 dahil sa kaniyang mga nagawang pangsining.
Sir John Tenniel | |
---|---|
Nasyonalidad | Ingles |
Kilala sa | Panitikang pambata |
Pinaka kinikilala si Tenniel dahil sa dalawang pangunahing mga gawain: siya ang pangunahing kartunistang pampolitika para sa magasing Punch ng Inglatera sa loob ng mahigit sa 50 mga taon; at siya ang artista ng sining sa pagguhit na gumuhit ng mga larawan para sa mga aklat na pinamagatang Alice’s Adventures in Wonderland at sa Through the Looking-Glass na kapwa mga isinulat ni Lewis Carroll.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Tenniel". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 81.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Sining at United Kingdom ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.