Si Joker ay isang kathang-isipis na supervillain na lumalabas sa mga Amerikanong komiks na inilalathala ng DC Comics. Ang karakter ay ginawa nila Jerry Robinson, Bill Finger, at Bob Kane, at unang lumalabas sa Batman #1 (25 Abril 1940). Ang pagkilala sa paggawa kay Joker ay pinagtataluhan; Ayon kila Kane at Robinson, sila ang nagdisenyo kay Joker, ngunit kinikilala nila ang ambag ni Finger sa pagsusulat sa karakter. Binalak sa una na patayin ang karakter ni Joker sa una niyang paglabas, ngunit ito ay hindi itinuloy pagkatapos pigilan ang balak na ito ng editor, na naging daan para maging pangunahing kalaban ni Batman.

Joker
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaDC Comics
Unang paglabasBatman #1 (25 Abril 1940)[1]
Tagapaglikha
Impormasyon sa loob ng kwento
Kasaping pangkat
Kilalang alyasRed Hood[2]
Kakayahan
  • Bihasa na kriminal
  • Bihasa na kimiko
  • Gumagamit ng mga props na panglaban at mga nakakalasong kemikal

Sa komiks, si Joker ay inilalarawan bilang isang bihasang kriminal. Ipinakilala bilang isang psychopath, na may baluktok, sadista na paniniwala sa kung ano ang nakakatawa, ang karakter ay naging isang malokong prankista sa huling bahagi ng dekada 1950 bilang tugon sa alintunin ng Comics Code Authority, bago siya bumalik sa mas madilim niyang pinanggalingan sa unang bahagi ng dekada 1970. Bilang pangunahing kalaban ni Batman, si Joker ay naging bahagi ng mga mahahalagang yugto ng kuwento ng superhero, kasama dito ang pagpapatay kay of Jason Todd—ang pangalawang Robin at ang pagkaparalisa ng kakampi ni Batman na si Barbara Gordon. Si Joker ay nagkaroon ng maraming mga posibleng kuwento ukol sa kanyang pinanggalingan sa pitong dekada ng pagkalathala. Ang pinaka-pangkaraniwang kuwento ay nagsasabi na nahulog si Joker sa isang tanke ng kemikal na nagdulot sa pagputi ng kanyang balat, paglunti ng kanyang buhok, at pagpula ng kanyang mga labi; ang pagiibang anyo niya ay nagdulot sa kanyang pagbaliw. Ang kabaliktaran ni Batman sa pag-uugali at itsura, si Joker ay itinuturi ng mga kritiko bilang perpektong kalaban ni Batman.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Zalben, Alex (28 Marso 2014). "When Is Batman's Birthday, Actually?". MTV News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-09. Nakuha noong 9 Agosto 2014. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Eason, Brian K. (11 Hulyo 2008). "Dark Knight Flashback: The Joker, Part I". Comic Book Resources. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-23. Nakuha noong 23 Pebrero 2014. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)