Ang Templong Jokhang, Jokhang, Qokang, Jokang, Monasteryong Jokhang, Tsuklakang (bigkas: /gTsug lag khang/) ay ang unang templo pangbudismo sa Tibet na matatagpuan sa Liwasang Barkhor sa Lhasa. Itinayo ito noong panahon ng paghahari ng haring si Songsten Gampo (605?-650 CE) upang ipagdiwang ang kanyang pagpapakasal kay Wencheng, isang prinsesang budistang kabilang sa Dinastiyang Tang ng Tsina. Tinawag itong Tsulag Kang o "Bahay ng Karunungan" subalit kilala sa ngayon bilang Jokhang na nangangahulugang "Bahay ng Buddha".[1]

Jokhang

ཇོ་ཁང་
Buddhist temple, cultural heritage of China
Map
Mga koordinado: 29°39′11″N 91°07′52″E / 29.6531°N 91.13116°E / 29.6531; 91.13116
Bansa Republikang Bayan ng Tsina
LokasyonPargor Subdistrict, Lhasa District, Lhasa, Awtonomong Rehiyon ng Tibet, Republikang Bayan ng Tsina
Itinatag639
Lawak
 • Kabuuan7.5 km2 (2.9 milya kuwadrado)

Para sa karamihan ng mga Tibetano, ito ang pinakabanal at pinakamahalagang templo sa Tibet. Kasalukuyan itong tinatabanan o nasa ilalim ng pamamahala ng paaralang Gelug.

Kasama ng Palasyo ng Potala, ito marahil ang pinakabantog na pang-akit ng mga turista sa Lhasa. Bahagi ito ng Pook na Pamanang Pandaigdig ng UNESCO, at isa ring lundayan o sentrong pang-espiritu o pangkaluluwa ng Lhasa.

Sanggunian

baguhin
  1. Norbu, Thubten Jigme at Turnbull, Colin. Tibet: Its History Religion and People, pahina 143. (1968). Chatto & Windus. Muling paglilibag: (1987), Penguin Books, Inglatera.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.