José Burgos

Pilipinong paring minartir noong 1872
(Idinirekta mula sa Jose Apolonio Burgos)

Si Padre Jose Apolonio Burgos ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur noong 9 Pebrero 1837. Ang kanyang ama ay si Tenyente José Tiburcio Burgos at ang kanyang ina ay si Florencia Garcia.

José Apolonio Burgos
Padre José Apolonio Burgos
Kapanganakan9 Pebrero 1837
Kamatayan17 Pebrero 1872
TrabahoPari
Kilala saGomburza

Siya ay naulila sa magulang noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Bilang isang mag-aaral, siya ay may angking katalinuhan. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Colegio de San Juan de Letran. Naging pari siya noong 11 Pebrero 1865 at itinalaga sa Katedral ng Maynila. Nagpatuloy siya sa pag-aaral at nakatapos siya nang may karangalan para sa kursong Teolohiya (1859), Pilosopiya (1860), "Bachelor of Canon" (1866), at "Doctorate's Degree" para sa Teolohiya (1868) at "Canon Law" (1871).

Si Padre Burgos ay naging aktibong kasapi ng kilusan na pinamumunuan ni Padre Pedro Pelaez. Ipinaglaban nila ang karapatan ng mga Pilipinong pari at sila ay nagtagumpay. Nang namatay si Padre Pelaez, ang kilusang ito ay pinamumunuan ni Padre Burgos kasama sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora.

Sa paglilitis ng Pagaaklas sa Cavite noong 20 Enero 1872, isa sa mga nag-aklas na si Sarhento Bonifacio Octavo ay naisaiwalat ang isang lalaking nagngagalang Zaldua na naghihikayat ng mga tao na magaklas. Si Octavo ay tumestigo na ang lalaking ito ay inuutusan ni Burgos para gawin ang panghihikayat, ngunit dahil sa paiba-iba ng testimonya ni Octavio, ang naturang pagsisiyasat ay nauwi sa wala. Ngunit ang naturang pangyayari ay sinabi ni Gov. Rafael Izquierdo sa Madrid at ang testimonya ay nagpatunay ng kanyang pagdududa. Nadiin sina Burgos kasama ng dalawa pang pari na sina Padre Zamora at Padre Gomez, sa kasong sedisyon.

Ang tatlong pari ay kinaladkad sa mga akusayson na pinatunayan ng mga huwag na testigo, at kung saan ang kani-kanilang abogado ay trinaydor sila sa korte. Noong 17 Pebrero 1872, sila ay ginarote sa Fort Santiago sa gitna ng Bagumbayan na ngayon ay Luneta.

Si Burgos, sa edad na 35, ay ang pinakabata at huling namatay. Ang tatlo ay nagsilbing mahalagang aral kay Jose Rizal, kung saan pinangalanan niyang GOMBURZA at naging inspirasyon niya na gawin ang kanyang pangalawang nobela, ang El Filibusterismo.

Maaring bisitahin

baguhin