Jose Garcia Villa
Si Jose Garcia Villa ay isinilang sa Singalong, Maynila noong 5 Agosto 1908. Kilala siya sa sagisag na Doveglion. Kinilala sa pamahalaan bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 12 Hunyo 1973. Ang unang koleksiyon ng kanyang mga tula na lumabas noong 1942 ay pinamagatang Have Come, Am Here na nalathala sa Estados Unidos ay umani ng malaking pagkilala.
Jose Garcia Villa | |
---|---|
Kapanganakan | 5 Agosto 1908 |
Kamatayan | 7 Pebrero 1997 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Larangan | Panitikan (tula) |
Pinag-aralan/Kasanayan | Pamantasan ng Pilipinas |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Panitikan 1973 |
Ang Footnotes to Youth ay isa ring koleksiyon ng mga tula ni Villa na lumabas naman noong 1933. Kilala si Villa bilang manunulat ng maikling kuwento at makata sa wikang Inggles.
Napakarami niyang tinanggap na mga gawad at gantimpala dahil sa kanyang mga tula. Tinanggap niya mula sa Pamantasan ng Pilipinas ang pinakamataas na gawad-akademiko, ang Doctor of Humane Letters, Honoris Causa, dahil sa kanyang nagawa at naisulat sa larangan ng panitikang Pilipino at Ingles.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.