José T. Joya
pintor
(Idinirekta mula sa Jose T. Joya)
Si Jose Tanig Joya ay isang pintor at artistang maramihang-media na nabigyang parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal noong 2003. Namulat sa kasanayang traditionalista, lumihis din siya kinalaunan sa paraang kanya. Kilala bilang tagapaghiwatig ng basal (abstract expressionist), ginamit niya ang mga konsepto ng kinetikong enerhiya at spontaneity sa pagpipinta, at naging bihasa sa sining ng gestured painting, kung saan madaliang ipinipinta ang pintura gamit ang malalapad na brush stroke. Maliban sa pagpipinta, hilig din niya ang pagdidisenyo ng mga seramikang sisidlan, mga plato at tiles o baldosa, at print making.
Jose T. Joya | |
---|---|
Kapanganakan | Jose Tanig Joya 3 Hunyo 1931 |
Kamatayan | 11 Mayo 1995 Maynila | (edad 63)
Nasyonalidad | Pilipino |
Larangan | Pagpipinta |
Pinag-aralan/Kasanayan | Pamantasan ng Pilipinas, Akademiya ng Sining ng Cranbrook, Sentro ng Sining Grapiko ng Pratt |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Sining Biswal 2003 |
Mga panlabas na kawing
baguhin- Lathalaing kabatiran tungkol kay Jose T. Joya Naka-arkibo 2008-08-04 sa Wayback Machine.
- Jose T. Joya - globalpinoy.com Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine.
- Jose Tanig Joya - geringerart.com
- Jose Joya, Pambansang Alagad ng Sining - kulay-diwa.com
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.