Pamamahayag

(Idinirekta mula sa Journalist)

Ang pamamahayag o peryodismo ay isang estilo ng pagsusulat ng tuwirang pag-uulat ng mga kaganapan.[1] Ang kataga ay ginagamit upang ilarawan ang mga gawain ng mga pahayagan, mga palabas na pambalita sa telebisyon at radyo, at sa mga magasing pambalita. Maraming iba't ibang hanapbuhay na pambalita at pangkabatiran sa larangan ng pamamahayag, katulad ng mga trabaho ng mga tagapag-ulat na pampahayagan, ankor na pambalita sa telebisyon, manunulat, patnugot, tagaguhit o ilustrador, at litratista o potograpo. Ang mga taong naghahanapbuhay sa larangan ng pamamahayag ay pangkalahatang tinatawag na mga tagapamahayag, mamamahayag, o peryodista.[2]

Mga tungkulin

baguhin

Kabilang sa mga tungkulin ng pamamahayag ang mga sumusunod:[3]

  • Magbigay ng kabatiran o balita sa isang malaking bilang ng mga tao sa isang maayos na paraan.
  • Pumunta sa likod ng mga kaganapan upang imbestigahan ang gawain ng pamahalaan at ng mga negosyo.
  • Magpaunawa at maging gabay ng mga tao ukol sa kung ano ang naganap o nagaganap.
  • Libangin ang mga tao sa pamamagitan ng pagsasalaysay, na maaaring saliwan ng katatawanan, drama, o musika.
  • Magsabi ng kung paano ginagawa ang mga bagay-bagay noong naunang panahon.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Journalism, pamamahayag, peryodismo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Journalist, mamamahayag, peryodista, lingvozone.com
  3. "Duties of Journalism". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Journalism, tomo ng titik J, p. 143.