Ang Journey ay isang Amerikanong bandang rock na nabuo sa San Francisco noong 1973 ng mga dating miembro ng mga bandang Santana at Frumious Bandersnatch. Ang pinakamalakas na komersiyal na tagumpay ng grupo ay nangyari sa pagitan ng 1978 at 1987 at pagkatapos ay temporaryong nabuwag. Sa panahong iyon, ang banda ay naglabas ng sunod sunod na mga hit song kabilang ang 1981 "Don't Stop Believin'" na noong 2009 ay naging nangungunang bumentang catalog track sa kasaysayan ng iTunes.[2][3][4] Ang parent studio album, Escape ang ikawalo at pinakamatagumpay na na album nila na nagkamit ng no. 1 sa Billboard 200 at lumikha ng sumikat na single na "Open Arms". Noong 1983, ito ay sinundan ng Frontiers na matagumpay rin sa Estados Unidos at umabot na no. 2 at lumikha ng ilang mga single. Ang kasikatan ng grupo ay umabot sa United Kingdom kung saan ito naging no.6 sa UK Albums Chart. Ang Journey ay muling nagsama noong gitnang dekada nobenta at muling nabuo bilang grupo na may sunod sunod na mga lead singer.

Journey
Journey noong 2013
Journey noong 2013
Kabatiran
PinagmulanSan Francisco, California, U.S.
GenreRock, jazz fusion, progressive rock, hard rock, soft rock[1]
Taong aktibo1973–present
LabelColumbia, Frontiers, Sanctuary, Nomota LLC
MiyembroNeal Schon
Ross Valory
Jonathan Cain
Deen Castronovo
Arnel Pineda
Dating miyembroSteve Perry
Gregg Rolie
George Tickner
Aynsley Dunbar
Robert Fleischman
Steve Smith
Randy Jackson
Steve Augeri
Websitejourneymusic.com

Ang mga naipagbiling record ng grupo ay nagresulta sa dalawang gold album, walong multi-platinum albums,at isang diamond album (kabilang ang magkakasunod na multi-platinum album sa pagitan ng 1978 at 1987). Sila ay nagkamit ng 18 Top 40 single sa US na anim sa mga ito ay umabot ng Top 10 sa US Billboard Hot 100 chart at dalawa ay naging No. 1 sa ibang Billboard charts, at isang No. 6 hit sa UK Singles Chart ng "Don't Stop Believin'". Ayon sa Recording Industry Association of America, ang Journey ay nakapagbenta ng 47 milyong album sa Estados Unidos na gumagawa sa kanilang ika-28 pinakabumentang banda. Sila ay nakapagbenta ng 80 album sa buong mundo.[5][6] Ang isang 2005 USA Today opinion poll ay nagpangalan sa Journey na ikalimang pinakamahusay na bandang Amerikano sa kasaysayan. [7][8]

sanggunian

baguhin
  1. Ruhlmann, William. "Journey - Music biography". AllMusic. Nakuha noong 2012-10-03. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Paul Grein. "Week Ending Aug. 23, 2009: Over 50 And Still On Top". Yahoo Chart Watch. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-18. Nakuha noong 2014-01-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "search results". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-24. Nakuha noong 2014-01-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The Sony Music Journey Home | The Sony Music Journey Site". Journeyband.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 25, 2009. Nakuha noong Agosto 3, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Journey @ Royal Concert Hall 05/03/07". BBC. Nakuha noong Disyembre 15, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "For The Record: Quick News On Nelly, Destiny's Child, U2, B-52's, Arcade Fire, Ramones & More". MTV. Disyembre 17, 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 25, 2010. Nakuha noong Disyembre 15, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. /goldandplatinumdata.php?table=tblTopArt "RIAA Gold and Platinum Data". Riaa.com. Nakuha noong Setyembre 10, 2010. {{cite web}}: Check |url= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "And the greatest American rock band ever is". USA Today. Hulyo 5, 2005. Nakuha noong Agosto 3, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)