Jovencita
Ang Jovencita (bigkas: hoh-vehn-SEEH-tah) ay isang sayawing Maria Clara. Isa itong tipikal na sayaw para sa mga kadalagahan, lalo na sa pagtuntong nila sa kanyang ika-labing-walong kaarawan. Kanila rin itong isinasayaw sa araw ng kanilang kasal. Hinalaw ni Nitoy Gonzales ang tugtugin para rito mula sa sarili niyang musika noong nililigawan pa lamang niya si Jovita Friese. Sinaliwan ito ng malamyos na koreograpiya na sinasabayan ng sayaw na Habanera. Nagmula ang jovencita sa salitang Kastila na nangangahulugang "dalagita".
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.