Juan Tamad
Si Juan Tamad ay isang tauhan sa mga kuwentong bayan. Kadalasang inilalarawan bilang bata, kilala siya sa kanyang katamaran at katangahan.[1]
Buod ng salaysay
baguhin- Ang paghintay ng paghulog ng bayabas sa puno nila habang siya ay nasa ilalim nito na nakabukas ang bibig.
- Ang pagbilin sa mga talankang pinabili ng kanyang ina na mauna sa kanyang bahay.
- Ang tungkol sa palayok at ang pulgas[2]. Inutusan siya ng kanyang ina na bumili ng palayok. Nagkataon sa lugar ng kanyang pinagbilihan, ang mga tao ay pinepeste ng pulgas. Papauwi na sana siya subalit ang pulgas ay pumasok sa kanyang damit. Nahulog at nabasag ang palayok. Nalarawan niya sa kanyang isip na galit na galit ang kanyang ina kaya kailangan niyang gumawa ng paraan. Dinurog niya ang nabasag na palayok at inilagay sa dahon ng saging. Inilako niya ito sa taong bayan sa pagsasabing ito ay pamatay ng pulgas. Maraming bumili at umuwi si Juan ng maraming dalang salapi. Natuwa ang kanyang ina subalit kailangan pa rin niya ng palayok kaya pinabalik siya kinabukasan. Sa kanyang pagbabalik sinalubong siya ng galit na galit na mga taong bayan. Ang kanyang ibinenta ay huwad, walang nangyari ng binudburan nila ng pulbos ang mga pulgas. Subalit nagpalusot si Juan, hindi raw ganun ang tamang paggamit nito. Dapat hinuli nila ang pulgas at lagyan ang mga mata nito ng pulbos. Matapos magtawanan ang mga tao, tinakot nila si Juan na magsabi ng katotohanan. Walang magawa si Juan kung hindi magsalita. Bago pa man masaktan si Juan ng mga kalalakihan, may isang matandang babae ang nag-awat at nagsabi na palayain na lang siya. Isusumbong na lang nila si Juan sa kanyang ina at bahala na lang ang kanyang ina ang magparusa.
Mga pelikula tungkol kay Juan Tamad
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Maestro Valle, Rey (Enero 9, 2020). "Sino Si Juan Tamad? Tungkol Sa Sikat Na Karakter". Philippine News. Nakuha noong 10 Pebrero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (1999) Laughing Together. Stories, Riddles & Proverbs from Asia & the Pacific. New Delhi: The National Book Trust.