Juliana ng Norwich
Si Juliana ng Norwich (c. 8 Nobyembre 1342 – c. 1416) ay itinuturing na isa sa pinakadakilang mistikong manunulat ng Inglatera. Kaunti lamang ang nalalaman hinggil sa kanyang sarili at sa kanyang buhay maliban sa kanyang mga naisulat.[1] Hindi natitiyak kahit na pangalan niya, sapagkat nagmula ang Julian o Juliana mula sa Simbahan ni San Julian sa Norwich, kung saan siya ay isang ankorita o ankoresa – isang uri ng ermitanya – na namumuhay sa loob ng isang selda o tila seldang silid[1] na nakakabit sa simbahan, at nagsasagawa ng mapagmunimuning pananalangin. Sa gulang na 30, habang nagdurusa sa isang malubhang karamdaman at naniniwalang nakahimlay na siyang naghihintay na lamang ng pagpanaw, nagkaroon si Julian ng matinding mga pangitain kay Hesukristo[2] o mula sa Diyos.[1] Natigil ang mga ito nang gumaling na siya sa kanyang sakit noong 13 Mayo 1373.[2] Agad na itinala niya ang mga pangitaing ito pagkaraang maranasan ang mga ito, at muli pa pagsapit ng dalawampung mga taon sa anyong may kalalimang pangteolohiya. Ang mga ito ang naging pinagkuhanan ng kanyang pangunahing akdang tinawag na Labing-anim na mga Pagpapahayag ng Banal na Pag-ibig o Labing-anim na mga Rebelasyon ng Banal na Pagmamahal (Sixteen Revelations of Divine Love, sa loob ng taong 1393).[3] Kilala rin ito sa mas maikling pamagat na Mga Pagpapahayag ng Banal na Pag-ibig (Revelations of Divine Love) lamang.[1] Ito ang pinaniniwalaang unang aklat na isinulat ng isang babae na nasa wikang Ingles.[3] Nakilala si Juliana sa buong Inglatera bilang isang autoridad na pang-espiritu: nabanggit ni Margery Kempe ang pagpunta sa Norwich upang makausap si Juliana.[4]
Juliana ng Norwich | |
---|---|
Kapanganakan | 8 Nobyembre 1342 (Huliyano)
|
Kamatayan | 15th dantaon (Huliyano)
|
Mamamayan | Kaharian ng Inglatera |
Trabaho | teologo, manunulat, ermitanyo, pilosopo |
Tinatangkilik siya bilang isang santa sa Simbahan ng Inglatera at sa Simbahang Katoliko.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 The Christophers (2004). "Julian of Norwich, A Contemplative Life". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina para sa Agosto 15. - ↑ 2.0 2.1 ""Julian of Norwich"". Encyclopedia Britannica Profiles. Encyclopedia Britannica. Nakuha noong 2006-06-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Julian of Norwich". Showings. Paulist Press. 1978.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Book of Margery Kempe, Book I, Part I". The Book of Margery Kempe. TEAMS Middle English Texts. 1996. Nakuha noong 2007-08-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)