Justice League (pelikula)

(Idinirekta mula sa Justice League (film))

Ang Justice League ay isang Amerikanong pelikula na hango sa mga karakter ng DC Comics at sa pangkat ng Justice League. Ito ang ikalimang pelikula ng DC Extended Universe (DCEU) at ang kasunod ng pelikulang Batman v Superman: Dawn of Justice. Ang pelikulang ito ay mula sa direksyon ni Zack Snyder, at sa panunulat ni Chris Terrio at Joss Whedon. Pinagbibidahan ito nina Ben Affleck, Henry Cavill, Gal Gadot, Ezra Miller, Jason Momoa, at Ray Fisher na ginagampanan ang mga miyembro ng Justice League. Sina Amy Adams, Jeremy Irons, Diane Lane, Connie Nielsen, at J. K. Simmons naman ay ginagampanan ang mga menor na karakter. Sa pelikulang ito, si Batman at si Wonder Woman, kabilang na sina Flash, Aquaman at Cyborg, ay tatangkain iligtas ang mundo sa nagbabadyang pananakop ni Steppenwolf pagkatapos ng pagkamatay ni Superman.

Justice League
DirektorZack Snyder
Prinodyus
  • Charles Roven
  • Deborah Snyder
  • Jon Berg
  • Geoff Johns
Itinatampok sina
MusikaDanny Elfman
SinematograpiyaFabian Wagner
In-edit ni
  • David Brenner
  • Richard Pearson
  • Martin Walsh
TagapamahagiWarner Bros. Pictures
Inilabas noong
26 Oktubre 2017
(Beijing)
17 Nobyembre 2017
(Estados Unidos)
16 Nobyembre 2017
(Pilipinas)
Haba
120 minuto[1]
BansaEstados Unidos
WikaIngles
Badyet$300 milyon[2]
Kita$657.9 milyon[3]

Iniulat na magkakaroon ng pelikula ang Justice League noong Oktubre 2014. Si Snyder ang direktor, samantalang si Terrio naman ang susulat ng iskrip. Ang pelikula ay unang pinamagatang Justice League Part One, at inaasahang ipapalabas ang kasunod nitong pelikula sa 2019. Ngunit, pinagpaliban muna ang ikalawang pelikula upang magbigay daan sa gagawing pelikula tungkol kay Batman na inaasahang pagbibidahan ni Affleck. Ipinalabas ang Justice League sa buong mundo noong Nobyembre 2017.

Ang pelikulang ito ay may badyet na $300 milyon, at itinuring na isa sa pinakamagastos na pelikulang ginawa sa buong mundo. Ang kabuuang kita nito ay $657.9 milyon, ang pinakamababang kita sa lahat ng pelikula ng DCEU. Magkahalo ang pananaw ng mga kritiko tungkol sa pelikula. Ang mga maaksyon na eksena at ang pag-arte ng mga artista, lalo na kina Gal Gadot at Ezra Miller, ay pinuri. Samantalang ang istorya nito, bilis ng takbo ng pelikula, ang kalaban, at ang sobrang paggamit ng CGI ay binatikos. Hati rin ang opinyon ng mga manunuod sa tono ng pelikula, yung iba ay ikinalugod ang pagkababaw ng tono nito kumpara sa ibang pelikula ng DCEU, samantalang ayon naman sa iba ay salungat ito sa tono nung mga nakaraang pelikula.

Ilang libong taon na ang nakalipas, tinanggkang sakupin ni Steppenwolf at ng kanyang mga hukbo ng Parademons ang Daigdig gamit ang kapangyarihan ng tatlong Mother Boxes. Tinalo sila ng pinagsanib na pwersa ng mga Diyos ng Olimpus, mga Amazon, mga Atlantean, ng sangkatauhan, at ng mga Green Lanterns. Matapos talunin si Steppenwolf, ang tatlong Mother Boxes ay pinaghiwalay at itinago sa magkakaibang lokasyon sa mundo. Sa kasalukuyan, nagdadalamhati ang sangkatauhan sa pagkamatay ni Superman,[N 1] na naging hudyat para gumana muli ang mga Mother Boxes at naging daan para bumalik muli si Steppenwolf sa Daigdig. Upang maibalik ang pabor at tiwala ng kanyang amo na si Darksied, tinangka muli ni Steppenwolf kunin ang tatlong Mother Boxes para likhain ang "Unity" (Kaisahan), na wawasak sa mundo at gagawin itong katulad ng Apokolips, ang pinanggalingan ni Steppenwolf.

Sinugod at nakuha ni Steppenwolf ang Mother Box na itinago sa Themyscira, na naging hudyat para bigyan ng babala ni Reyna Hippolyta ang kanyang anak na si Diana sa pagbabalik ni Steppenwolf. Nagsama si Diana at si Bruce Wayne para lipunin ang iba pang mga taong may kakaibang kapangyarihan at hikayating silang makisama sa pagligtas ng mundo. Tinangkang hikayatin ni Wayne si Arthur Curry sa kanilang pangkat pero siya ay nabigo, ngunit nagawa niyang maisama si Barry Allen. Hinanap naman ni Diana si Victor Stone, pero bigo itong mahikayat siya para umanib sa kanila. Pumayag naman na tumulong si Stone sa pangkat kung mahahanap niya ang lokasyon ni Steppenwolf at umanib rin siya kinalaunan matapos dakipin ang ilang empleyado ng S.T.A.R. Labs, kabilang na ang kanyang ama na si Silas. Dito ay nadiskubre nila na hinahanap na ni Steppenwolf ang Mother Box na itinago ng sangkatauhan.

Nilusob ni Steppenwolf ang Atlantis at dito nakuha niya ang ikalawang Mother Box. Ito ang naging hudyat ng pagsapi ni Curry sa pangkat nina Diana at Wayne. Napagalaman nina Diana, Wayne, Allen at Stone mula kay Komisyonado James Gordon ang pinagtataguan ni Steppenwolf, sa isang abandonadong gusali sa ilalim ng Gotham Harbor. Pinuntahan nila ito at nakipaglaban kay Steppenwolf at sa kanyang mga Parademons. Nagawa nilang iligtas ang mga empleyado ng S.T.A.R. Labs, ngunit niragasa ng tubig ang pasilidad na nagresulta ng malaking danyos. Tinulungan sila ni Curry para makatakas sa pagbaha habang kinuha naman ni Stone ang ikatlong Mother Box, ang Mother Box ng sangkatauhan, na kanyang itinago para mapag-aralan nila. Napagdesisyunan ni Wayne na gamitin ang Mother Box para buhayin si Superman, para tulungan silang kalabanin si Steppenwolf at pigilan ang nagbabadyang pananakop nito sa Daigdig, at para na rin bigyan ng pag-asa ang sangkatauhan. Kontra si Diana at si Curry sa gustong mangyari ni Wayne, pero gumawa ng plano si Wayne kung sakaling mabubuhay si Superman bilang masama.

Hinukay nila ang bangkay ni Clark Kent at inilagay sa tubig sa loob ng isang sasakyang pang-Kryptonian. Ginamit nila ang Mother Box upang buhayin si Superman, ngunit hindi nagbalik ang alaala nito at kinalaban niya ang pangkat dahil aksidente siyang inatake ni Stone. Nang papatayin na ni Superman si Batman, pinagana niya na ang kanyang plano: dumating si Lois Lane at pinakalma si Superman. Umalis sila ni Lois at nagtungko sa tahanan niya sa Smallville, kung saan unti-unting nagbalik ang kanyang mga alaala. Dahil sa kaguluhan, hindi nabantayan ng pangkat ang huling Mother Box, at nakuha ito ni Steppenwolf ng walang kahirap-hirap. Sina Batman, Wonder Woman, Aquaman, Cyborg at si Flash ay nagtungko sa isang maliit na bayan sa Rusya kung saan planong gamitin ni Steppenwolf ang mga Mother Boxes upang likhain muli ang Daigdig na hango sa Apokolips. Nakipaglaban sila kay Steppenwolf at sa kanyang mga Parademons, ngunit bigo silang linalangin ito at mabigyan ng panahon si Cyborg upang paghiwalayin ang mga Mother Boxes. Dumating si Superman at tinulungan si Flash na iligtas ang mga sibilyan sa lungsod, at tumulong din siya kay Cyborg at matagumpay nilang napaghiwalay ang Mother Boxes. Tinalo ng pangkat si Steppenwolf, at dahil sa takot, inatake siya ng kanyang mga Parademons bago nila lisanin ang mundo.

Pagkatapos ng labanan, si Bruce at si Diana ay nagkasundong gagawa ng base para sa pangkat, na may puwang pa para sa mga karagdagang miyembro. Muling nagbalik si Diana at nagpakita na sa publiko bilang isang tagapagligtas; nakakuha na ng trabaho si Barry sa kagawaran ng pulisya sa Lungsod ng Sentral na ikinagalak ng kanyang ama; patuloy na pinapaigting ni Victor ang kanyang kakayahan sa S.T.A.R. Labs kasama ang kanyang ama; taos-pusong tinanggap ni Arthur ang kanyang pagiging Atlantean; at ipinagpatuloy ni Superman ang kanyang buhay bilang mamamahayag na si Clark Kent. Sa isang eksena matapos ang kredito, nakatakas si Lex Luthor sa Asilo ng Arkham at nakipag-anib kay Slade Wilson upang likhain ang sarili nilang pangkat.

Resepsyon

baguhin

Takilya

baguhin

Ang Justice League ay kumita ng $229 milyon sa Estados Unidos at sa Canada, samantalang kumita naman ito ng $428.9 milyon sa iba pang mga bansa. Ang kabuuang kinita ng pelikula ay humigit-kumulang $657.9 milyon.[4]

Mga parangal

baguhin

Ang Justice League ay nominado para sa 90th Academy Award sa kategoryang Best Visual Effects, kasama ang pelikulang Wonder Woman, na parehong mula sa DCEU.[5][6] Ngunit hindi nakasama ang mga ito sa huling tala ng mga nominadong pelikula. Napanalunan ng Justice League ang 2 mula sa 13 nominasyon nito.

Taon Parangal Kategorya Tatanggap Resulta Ref(s)
2017 Detroit Film Critics Society Breakthrough Artist Gal Gadot Nominado [7][8]
Golden Schmoes Awards Biggest Disappointment of the Year Justice League Nanalo [9]
Golden Trailer Awards Best Action Poster Warner Bros., Works ADV Nominado [10]
San Diego Film Critics Society Best Comedic Performance Ezra Miller Nominado [11]
2018
BMI Film & TV Awards BMI Film Music Award Danny Elfman Nanalo [7]
Golden Trailer Awards Best Wildposts (Teaser Campaign) Warner Bros., The Refinery Nominado [7]
Gran Premio Internazionale del Doppiaggio Best Dubbing Mixing Francesco Tumminello, Laser Digital Film Nominado [12]
Kids' Choice Awards Favorite Movie Actor Ben Affleck Nominado [13][14]
Favorite Movie Actress Gal Gadot Nominado
MovieGuide Awards Best Film for Mature Audiences Justice League Nominado [15]
Oklahoma Film Critics Circle Awards Most Disappointing Film Justice League Ika-2 puwesto [16]
Teen Choice Awards Choice Action Movie Justice League Nominado [17]
Choice Action Movie Actor Henry Cavill Nominado
Choice Action Movie Actress Amy Adams Nominado
Gal Gadot Nominado
  1. Itinampok sa pelikulang Batman v Superman: Dawn of Justice (2016)

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Justice League [2-D]". British Board of Film Classification. Nobyembre 7, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 9, 2017. Nakuha noong Nobyembre 9, 2017. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong); Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "'Justice League': Warner Bros. CEO Reportedly Mandated a Runtime Under 2 Hours". Collider. Nobyembre 6, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 8, 2017. Nakuha noong Nobyembre 9, 2017. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Justice League (2017)". Box Office Mojo. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 19, 2017. Nakuha noong Marso 16, 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Justice League". Box Office Mojo. IMDb. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 1, 2020. Nakuha noong Enero 26, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Rawlings, Trace (Disyembre 4, 2017). "'Justice League,' 'Wonder Woman,' 'Star Wars: The Last Jedi' & 'Thor' Advance In Oscar Visual Effects Race". HeroicHollywood.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 20, 2018. Nakuha noong Hunyo 20, 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Lovett, Jamie (Disyembre 5, 2017). "'Justice League', 'Thor: Ragnarok', And More In Contention For An Oscar Nomination". comicbook.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 20, 2018. Nakuha noong Hunyo 20, 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 "Justice League – Awards". IMDb. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 19, 2018. Nakuha noong Abril 30, 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The 2017 Detroit Film Critics Society Awards Nominations". Detroit Film Critics Society. Disyembre 4, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 11, 2018. Nakuha noong Disyembre 5, 2017. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Golden Schmoes Winners and Nominees (2017)". JoBlo.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 3, 2018. Nakuha noong Abril 16, 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "The 18th Annual Golden Trailer Award Nominees". GoldenTrailer.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 10, 2017. Nakuha noong Nobyembre 19, 2017. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "2017 San Diego Film Critics Society's Award Nominations". SDFCS.org. Disyembre 9, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 10, 2017. Nakuha noong Disyembre 9, 2017. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Justice League – Awards". RB Casting. 16 Disyembre 2018. Nakuha noong 27 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Nickelodeon Unveils Kids' Choice Awards Nominees". Hollywood Reporter. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 27, 2018. Nakuha noong Pebrero 26, 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Nickelodeon announces 2018 Kid's Choice Awards nominations". Inquirer.net. Pebrero 28, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 16, 2018. Nakuha noong Abril 16, 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "2018 Movieguide Awards Nominations". Movieguide Awards. Enero 17, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 16, 2018. Nakuha noong Hulyo 18, 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Chitwood, Adam (Enero 3, 2018). "'Get Out' Dominates the Oklahoma Film Critics Circle Awards". Collider. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 17, 2018. Nakuha noong Pebrero 27, 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Cohen, Jess (13 Hunyo 2018). "Teen Choice Awards 2018: Avengers: Infinity War, Black Panther and Riverdale Among Top Nominees". E! Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Hunyo 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawil panlabas

baguhin