Si K. B. Sreedevi ay isang manunulat ng wikang Malayalam mula sa Kerala, India. Gumawa siya ng mga kontribusyong pampanitikan sa larangan ng kuwento, nobela, pag-aaral, panitikang pambata, at dula. Karamihan sa kaniyang mga gawa sa mitolohiyang Indiyano, at tradisyong-pambayan ay nasa ilalim ng genre ng panitikang pambata. Nakatanggap siya ng ilang mga parangal kabilang ang Gawad Kerala Sahitya Akademi para sa Pangkalahatang Kontribusyon at Gawad Estatal Pampelikula ng Kerala para sa Kuwento.

Ginawa ng kaniyang apo na si Ranjana K. ang kaniyang nobelang Yajnam sa isang apatnapu't limang minutong pelikula na may parehong pamagat.[1] Ang kaniyang kuwentong Shilpe-rupini ay isinalin sa Ingles ni Gita Krishnankutty bilang Babae ng Bato (1990).[2] Noong ginawang pelikula ang kaniyang gawa na Niramala, ginawa rin niya ang screenplay nito.

Talambuhay

baguhin

Si KB Sreedevi ay ipinanganak noong Mayo 1, 1940, sa Vellakattumana sa Vaniyambalam sa kasalukuyang distrito ng Malappuram kina V. M. C. Narayanan Bhattathippad at Gowri Antharjanam.[3] Siya ay nag-aral sa Tripunithura Girls' High School at Varavoor Government School.[3] Nag-aral siya hanggang ikasampung klase.[1] Si Sreedevi ay nag-aral din ng musika at Sanskrito.[1] Kalaunan ay nagtapos siya ng mas mataas na pag-aaral sa Sanskrit sa ilalim ng Panditharaja PS Subbarama Pattar.[kailangan ng sanggunian] Sa loob ng tatlong taon ay nagsanay siya ng Veena sa ilalim ng Naravath Devakiamma.

Isinulat ni Sreedevi ang kaniyang unang kuwento sa edad na labintatlo, tungkol ito sa pagkamatay ng isang ibon.[1] Naglathala siya ng maraming nobela at maikling kuwento sa pamamagitan ng mga publikasyon tulad ng Ezhuthachan Masika, Jayakeralam, at Mathrubhumi.[4]

Nagpakasal siya kay Brahmadathan Namboodiripad sa edad na labing-anim.[5] Habang kasama ang asawa, noong 1960 ay itinatag niya ang isang Mahila Samajam (grupo ng mga kababaihan).[kailangan ng sanggunian] Nabuo para sa pag-angat ng mga kababaihan at mga bata, ang grupo ay may higit sa 100 miyembro.[kailangan ng sanggunian] Ang grupo ay nag-organisa ng mga klase sa edukasyon upang gawing literate ang mga kababaihan, mga aktibidad sa kultura para sa babae, at mga pagsasanay sa trabaho para sa mga kababaihan.[kailangan ng sanggunian] Aktibo siya sa grupo hanggang sa lumipat siya sa Thrissur.[kailangan ng sanggunian]

Personal na buhay

baguhin

Siya at ang kaniyang asawang si Brahmadathan Namboodiripad ng Koodalloor Mana ay may 3 anak.[kailangan ng sanggunian] Siya na nanirahan sa Thrissur sa loob ng maraming taon ay nakatira na ngayon sa Tripunithura sa distrito ng Ernakulam.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "മകളെ തൊട്ടാൽ ഭ്രഷ്ടാക്കപ്പെടുന്ന അമ്മയുടെ നോവ് പൊള്ളിച്ചു: രഞ്ജന കെ". ManoramaOnline (sa wikang Malayalam). Nakuha noong 2022-02-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Protest of Woman through Silence in Sreedevi's "Shilpe-rupini"" (PDF). Literary Horizon. 1 (3): 139–144. Agosto 2021. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2022-02-05. Nakuha noong 2022-03-17.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 admin (2020-05-10). "ശ്രീദേവി കെ.ബി". Keralaliterature.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-02-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Amritakeerti Puraskaram for K B Sreedevi and Vattapparambil Gopinatha Pillai". Mathrubhumi (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-02-06. Nakuha noong 2022-02-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. ശാന്തം ഈ സാഹിത്യജീവിതം. p. 73. {{cite book}}: |work= ignored (tulong)
  6. Menon, Anasuya (2019-12-13). "'This is to tell the world that KB Sreedevi was here'". The Hindu (sa wikang Ingles). ISSN 0971-751X. Nakuha noong 2022-02-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)