Kababaihan at mga bata muna

Ang "kababaihan at mga bata muna" o pagsasanay na Birkenhead (Ingles: women and children first o Birkenhead drill) ay isang makasaysayang patakaran kung saan ang buhay ng mga kababaihan at kabataan ang unang inililigtas sa isang delikadong sitwasyon (tulad ng pag-abandona sa isang barko, kung saan limitado ang mga mapagkukunang mga bagay na pangsagip na katulad ng mga bangkang pangsagip). Ang pahayag na ito ay konektado at pinakakilala sa paglubog ng RMS Titanic noong 1912, kahit na ang unang naidokumentong gamit nito ay noong paglubog ng barko ng tropa ng Maharlikang Hukbong-dagat na HMS Birkenhead noong 1852.

Ang sikat na dibuho ni Thomas Hemy ng mga sundalong nagpaiwan sa HMS Birkenhead (1845) habang ang mga kababaihan at kabataan ay tumungo sa isang bangkang pangligtas sa likuran.

Kasaysayan

baguhin

Noong ika-labingsiyam at ika-dalawampung siglo, karaniwang hindi nagdadala ang mga barko ng mga sapat na bangkang pangsagip upang mailigtas ang lahat ng mga pasahero at tripulante sa kaganapan ng sakuna. Noong 1870, bilang sagot sa isang tanong sa Mababang Kapulungan ng Pinag-isang Kaharian tungkol sa paglubog ng PS Normandy, sinabi ni George Shaw-Lefevre ang sumusunod:

"Sa opinyon ng Lupon ng Kalakalan, hindi ito magiging posible na pilitin ang mga pampasaherong bapor sa pagitan ng Inglatera at Pransiya na magkaroon ng mga sapat na bangka para sa mga maraming pasahero na madalas nilang dalhin. Masisikipan ng mga ito ang kubyerta, at sa halip ay magdadagdag sa panganib kaysa sa bawassan ito."

Sa pagdaan ng ika-dalawampung siglo, mas malalaki ang mga barko kung kaya't mas maraming tao ang makakapaglakbay, ngunit ang mga regulasyong pangkaligtasan tungkol sa mga bangkang pangsagip ay nanatiling paso: isang halimbawa, ang batas ng mga Briton tungkol sa bilang ng mga bangkang pangsagip ay nakabase sa tonelahe ng barko at para lamang ito sa mga barkong may tonelahe ng "higit sa 10, 000". Ang resulta ay laging nasasama ang suliraning moral sa mga pasahero at tripulante sa kung sino ang dapat iligtas sa mga limitadong magagamit na mga bangkang pangsagip sa isang paglubog ng barko.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.