Kababaihan ng Troya

Ang Ang mga Babaeng Troyana o Ang Kababaihan ng Troya (Sinaunang Griyego: Τρῳάδες, Trōiades), at kilala rin bilang Troades ay isang Sinaunang Griyeong trahedya na isinulat ni Euripides. Ito ay nilikha noong Digmaang Peloponesyano at itinuturing na isang komentaryo na isang komentaryo sa pagkakabihag ng islang Milose at ang kalaunang pagpaslang at pagpapasuko sa populasyon nito ng mga Atenyano noong 415 BCE.[1] Ang 415 BCE ay ang taon rin ng eskandalosong paglalapastangan ng hermai at sa ikalawang ekspedisyon ng mga Athenian sa Sicily na maaaring nakaimpluwensiya sa pagsulat nito. Ito ang ikatlong trahedya ng isang trilohiya ng pakikitungo sa Digmaang Trohano. Ang unang trahedya na Alexandros ay tungkol sa pagkilala ng prinsipeng Trohano na si Paris na inabandona sa pagkasanggol ng kanyang mga magulang at muling natuklasan sa pagkatanda. Ang ikalawang trahedya na Palamedes, ay nakitungo sa pagmamaltrato ng mga Griyego sa kanilang kapwang Griyeong Palamedes. Ang trilohiyang ito ay itinanghal sa Dionysia kasama ng komedikong dulang satyr na Sisyphos. Ang mga plot ng trilohiyang ito ay hindi konektado sa paraaang ang Oresteia ni Aeschylus ay nauugnay. Hindi pumabor si Euripides sa gayong mga konektadong trahedya. Ang dulang ito ay nanalo ng ikalawang gantimpala na natalo kay Xenocles.[2]

Troades
Isang larawang inukit na naglalarawan sa kamatayan ni Astyanax.
Isinulat niEuripides
KoroMga babaeng Troyano
Mga karakterHecuba
Cassandra
Andromache
Talthybius
Menelaus
Helen
Poseidon
Athena
Lugar na unang
pinagtanghalan
Athens
Orihinal na wikaSinaunang Griyego
GenreTrahedya
KinalalagyanMalapit sa mga pader ng Troya

Mga sanggunian

baguhin
  1. See Croally 2007.
  2. Claudius Aelianus: Varia Historia 2.8. (page may cause problems with Internet Explorer)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.