Kabahayan ng Windsor
Ang Kabahayang Windsor ay ang kabahayang royal ng Nagkakaisang Kaharian at ng mga nasasakupang komonwelt. Ito ay nagkabisa sa pamamagitan ng Proklamasyong Royal ni Haring George V noong ika-17 ng Hulyo 1917 buhat ng paglaban ng Alemanya sa Britanya, na nagbubuhat ng kabahayang Saxe-Coburg-Gotha na Alemanya rin ang pinagmulan. Pinakakilala sa kabahayang Windsor ay ang pinuno nito, ang Ikalawang Reyna Elizabeth na monarka ng 16 na realmong Komonwelt.