Ang kabastusan, pagiging bulgar o kasagwaan (Ingles: vulgarity) ay ang katangian ng pagiging karaniwan, magaspang, o walang pinong asal. Maaaring tumukoy ang paghatol na ito sa wika, sining biswal, uring panlipunan, o mga umaakyat sa alta sosyedad (o social climbers). Ayon kay John Bayley, ang katawagan ay hindi kailanman maaaring maging sariling-pantukoy o gamitin para ilarawan ang sarili sapagkat magpapakita pagiging sopistikado ang pagkakaroon ng kamalayan sa kabastusan na sa gayon, inaangat ang sopistikasyon na ito sa isang tao sa itaas ng kabastusan, kaya't hindi na siya masasabing bastos.[1]

Ang pagiging bulgar, sa kahulugang pananalitang bulgar, ay maaring tumukoy sa wika na nakakasakit, malaswa o masagwa.

Ang salita na kaugnay sa anyong pasalita ng pagiging bulgar ay "pagmumura." Bagaman, maraming subseksyon ng mga salitang bulgar. Inuuri ng sikologong Amerikano na si Timothy Jay ang mga "maruruming salita" dahil "pinapahintulot nito ang mga tao na interesado sa wika na bigyan kahulugan ang iba't ibang uri ng pagtukoy o kahulugan na isinasagawa ng mga maruruming salita. Ang isang indibiduwal na nakikita ang tinuturing na bawal o masagwa ay umiinog sa iilang dimensyon ng karanasang pantao na mayroong lohika sa likod ng paggamit ng maruruming salita."[2] Sa wikang Ingles, isa sa pinakakaraniwang bulgar na salita ang fuck.[3] Samantalang sa wikang Tagalog, karaniwan ang bulgar na salita na "putang ina."

Mga sanggunian

baguhin
  1. John Bayley (1964). "Vulgarity". The British Journal of Aesthetics (sa wikang Ingles). 4 (4): 298–304. doi:10.1093/bjaesthetics/4.4.298.
  2. Jay, Timothy (1992). Cursing in America. John Benjamins Publishing Company. p. 9. ISBN 9781556194528.
  3. Blomquist, Robert F. "The F-Word: A Jurisprudential Taxonomy of American Morals (In a Nutshell)." Santa Clara L. Rev. 40 (1999): 65. (sa Ingles