Kabataan (organismo)

Ang bata o kabataan (Ingles: juvenile) ay isang indibidwal na organismo na hindi pa umabot sa pang-adultong anyo, kahinugang pangkasarian o laki nito. Maaaring ibang-iba ang hitsura ng isang bata pang organismo mula sa kaniyang pang-adultong anyo, lalo na sa kulay, at maaaring hindi punan ang parehong angkop sa ekolohiya na kinabibilangan ng pang-adultong anyo nito.[1] Sa maraming mga organismo ang kabataan ay may ibang pangalan mula sa adulto.

Batang baboy-ramo nasumususo mula sa isang may sapat na gulang na babae. Dito, ang pangkulay ng kabataan ay nagsisilbing isang anyo ng pagbabalatkayo .
Bataan (kaliwa) at adultong (kanan) mga dahon ng Stone Pine

Ang ilang mga organismo, tulad ng maraming mga insekto, ay umabot sa kahinugang pangkasarian matapos ang maikling banyuhay. Para sa iba, ang paglipat mula sa kabataan tungo sa ganap na pagkaadulto ay isang mas matagal na proseso - tulad ng pagdadalaga at pagbibinata sa mga tao.

Sa kaso ng karamihan ng mga imbertebrado, ganap na ang kanilang maturidad pag-abot sa pagka-adulto, at huminto na ang kanilang pag-unlad at paglaki. Ang kanilang mga juvenile ay mga larba o nymph.

Sa kaso mga bertebrado at ilang invertebrado (hal. gagamba), ang mga anyong pang-larba (hal. mga butete ) ay karaniwang itinuturing na sarili nilang yugto ng pag-unlad, at ang "kabataan" ay tumutukoy sa kapanahunan pagkatapos ng pagka-larba na hindi pa ganap ang lumaki at kahinugang pangkasarianl.

Sa mga amniota, ang bilig ay kumakatawan sa yugto ng larba. Dito, ang isang "kabataan" ay isang indibidwal sa panahong nasa pagitan ng pagpisa/pagsilang/pagsibol at maturidad.

Ang mga kabataang pusa ay karaniwang tinatawag na "kuting".

Mga halimbawa

baguhin
  • Para sa baatan ng na may larva, tingnan ang larba
  • Para sa mga yugto ng buhay ng tao, tingnan ang pagkabata at pagbibinata, isang panahong intermedyaryo sa pagitan ng pagsisimula ng pagdadalaga o pagbibinata at ganap na pisikal, sikolohikal, at panlipunang pagkaadulto.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Jeglinski, Jana; Goetz, Kimberley; Werner, Christiane; Costa, Daniel; Trillmich, Fritz (Enero 2013). "Same size – same niche? Foraging niche separation between sympatric juvenile Galapagos sea lions and adult Galapagos fur seals". Journal of Animal Ecology (sa wikang Ingles). 82 (3): 694–706. doi:10.1111/1365-2656.12019. PMID 23351022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)