Kabayo ng Troya

(Idinirekta mula sa Kabayong Troyano)

Ang Kabayo ng Troya ay isang malaking kabayong yari sa kahoy na may malaking butas na pinagtaguan ng mga Griyegong kawal upang lihim na makapasok sila sa Troya.[1][2] Sa kasalukuyang paggamit, tumutukoy na rin ang pariralang ito para sa anumang grupong subersibo at kaaway na maingat at palihim na sumasanib sa isang hukbo na may layuning pabagsakin ang pinagsalihang hukbo.[1]

Isang paglalarawan ng pagpupuprisyon o pagmamartsa ng kahoy na Kabayo ng Troya, papunta sa Troya.

Ipinagawa ito ni Odysseus sa isang Griyegong manlililok. Pagkayari, lumulan sa loob nito ang pinakamatatapang sa mga mandirigmang Griyego, habang sumakay naman ang iba sa mga bangka at naglayag patungo sa Troya. Nang matanaw ng mga Troyano ang kabayong kahoy, inisip ng mga ito na sumusuko na sa labanan ang mga Griyego. May mga nag-isip din isa itong alay na pangkapayapaan na ibig dalhin ng mga Griyego, papasok sa mga tarangkahan ng Troya. Dahil sa kalakihan ng sukat nito, kinailangan buwagin ng mga Troyano ang bahagi ng pader na nakapaligid sa Troya. Hinilang papasok sa Troya ang kabayong kahoy, at nagalak ang mga taga-Troya. Sa pagtulog ng mga mamamayan ng Troya, gumapang palabas sa kahoy na kabayo ang mga Griyegong kawal na lulan nito. Nilusob nila ang mga kaaway na Troyano. Dumating ang mga barkong Griyego at natupok sa apoy ng labanan ang buong Troya.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Trojan horse - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 "The Trojan Horse, Greek Mythology". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 366.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.