Kabundukan ng Súľov
Ang Kabundukan ng Súľov (Eslobako: Súľovské vrchy) ay isang matarik na kabundukan sa Slovakia, ang hilagang-kanlurang bahagi ng Lugar ng Fatra-Tatra ng Loobang Kanlurang Carpatos. Ang pinakamataas na bundok dito ay Veľký Manín, sa 890 metro.
Ang Kabundukan ng Súľov ay ang lokasyon ng:
- Mga Bato ng Súľov, isang pambansang reserba ng kalikasan na bukas para sa pamumundok at pag-akyat ng bato. Ang pinakamataas na punto rito ito ay Žibrid (867 metro)
- ang pambansang reserba ng kalikasan ng Bangin ng Manínska at ng Bangin ng Kostolecká
- ang likas na monumento ng Bosmany
- ang malawak na guho ng ika-13 siglong Kastilyo ng Lietava at ang ika-15 siglong Kastilyo ng Súľovský
Ang isang bahagi ng Súľov ay protektado din ng Protektadong Likas na Pook ng Kabundukan ng Strážov.