Kadena
Ang tanikalâ o kadéna (mula sa salitang Espanyol na cadena) ay isang serye ng sunod-sunod at magkakawing na argolya na kadalasang yari sa bakal na may pangkalahatang katangiang tulad ng sa lubid dahil ito ay naitutuwid, naibabaluktot, at naipupulupot subalit ito'y matibay.