Ang kadyos (Ingles: Pigeon pea, red gram o kaya Congo peas) ay isang uri ng gulay.[2] Kilala rin sa tawag kagyos, kagyas, kaldis, kalios, kardis, kidis at tabios.

Kadyos
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Fabales
Pamilya: Fabaceae
Sari: Cajanus
Espesye:
C. cajan
Pangalang binomial
Cajanus cajan
(L.) Millsp.
Kadyos[1].

Ang uri na matatagpuan sa Pilipinas ay maliit na maitim na buto. Kung minsan ay tinatawag ito sa salitang Ingles na black-eyed peas.

Mga Lutong ginagamitan ng Kadyos

baguhin

Ang Kadyos ay sikat sa lutong Ilonggo lalo na sa pagkaing may sabaw na kilala sa tawag na KBL na ang kahulugan ay:[3]

  • K = kadios
  • B = baboy
  • L = langka

Ang pangunahing dahilan kaya ito tinawag na KBL ay dahil sa partidong pampolitika na KILUSANG BAGONG LIPUNAN ni dating pangulong Marcos noong 1980.

Ang isa pa sa lutong Ilonggo na ipinangalan sa isang partido pampolitika ay ang KMU (KILUSANG MAYO UNO) na ang kahulugan ay:[3]

  • K = kadios
  • M = manok
  • U = ubod

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://iloveiloilo.files.wordpress.com/2007/11/kadyos.jpg
  2. Leo James English, Diksiyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  3. 3.0 3.1 http://tagaloglang.com/Tagalog-English-Dictionary/English-Translation-of-Tagalog-Word/kadios-or-kadyos.html


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Gulay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.