Ang kagat ng aso (Ingles: dog bite, dog attack) ay ang kagat na dulot ng asong kalye o asong pagala-gala (askal). Ang kagat ng aso ay maaaring makasanhi ng rabies sa taong nakagat nito. Bukod sa aso, maaaring ring makapanghawa ng rabies ang mga pusa, mga paniki, at iba pang mga hayop.[2]

Kagat ng aso

Mga dapat gawin

baguhin

Kabilang sa mga dapat gawin kapag nakagat ng aso ang mga sumusunod. Ang pangunahing gawain ay ang mabuting paglilinis ng sugat sa pamamagitan ng paghuhugas na gumagamit ng tubig at sabon. Pagdaka, dapat na bantayan at pagmatyagan ang asong kumagat sa tao, at isinasagawa ang pag-alam kung saan nagmula ang asong ito, at pati na ang pag-alam kung ang asong ito ay nagkaroon na dati ng bakuna laban sa rabies. Bukod sa paglilinis at paghuhugas ng sugat, ang taong nakagat ng aso ay dapat na patingnan sa manggagamot upang masuri ang sugat o kagat. Kapag ang asong nakakagat sa tao ay mayroong rabies, mayroon ito nang ganitong mga katangian o sintomas: ang aso ay wala sa sarili o parang nababaliw, na karaniwang napupuna sa loob ng 5 hanggang 10 mga araw.[2]

Mga lunas

baguhin

Kapag nakagat ng aso, karaniwang iniiniksiyunan ng bakunang panlaban sa tetano (antitetano) ang taong nakagat. Maaari ring bigyan ng bakuna sa rabies ang taong ito nang 3 hanggang 4 na mga ulit (isa sa araw ng pagkakagat, isa sa ikapitong araw matapos makagat, at sa ika-10 araw, at panghuli sa ika-14 na araw matapos na makagat) kapag ang asong nakakagat ay hindi nabigyan dati ng bakuna sa rabies (antirabies). Iminumungkahi ang pagpapabukang ito kahit na napakabihira ang pagkakaroon ng rabies matapos na makagat ng aso; subalit kung magkaroon ay tinatandaan ang estadistika na isa hanggang dalawa pa lamang ang gumagaling magmula sa rabies sa loob ng libu-libong mga nagkakarabies na tao.[2]

Pag-iwas

baguhin

Kabilang sa pag-iwas sa pagiging biktima ng rabies ang pagpapabakuna ng asong alaga, pag-uulat sa pulis o opisyal ng barangay (kung sa Pilipinas) o sa tanggapang kumokontrol ng mga asong paggala-gala at nalalamang nangangagat ng tao (kapag nasa ibang bansa).[2]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Dendle C, Looke D (2008). "Review article: Animal bites: an update for management with a focus on infections". Emergency Medicine Australasia : EMA. 20 (6): 458–67. doi:10.1111/j.1742-6723.2008.01130.x. PMID 19125823. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 KAGAT NG ASO, KALUSUGAN PH