Banal na kapalaran

(Idinirekta mula sa Kaginhawahan)

Ang mga banal na kapalaran[1] (Ingles: mga beatitude, mula sa Lating beatus, may ibig sabihing "pinagpala" o "maligaya"[2]), tinatawag rin bilang mga kaginghawahan[3] at mga luwalhati o mga kaluwalhatian, ay tumutukoy sa mga kataas-taasan at kabanal-banalang mga tuwa o kaligayahan ipinahayag at ipinangaral ni Hesukristo ukol sa kung sino ang mga taong matatawag na mapapalad at mga pinagpala.[4] Matatagpuan ang mga taludtod na nagbubunyag ng mga kaginghawahang ito sa Bagong Tipan ng Bibliya, sa Pangaral ni Hesus sa Bundok[1], Ang Pangangaral sa Bundok[5], o Ang Sermon sa Bundok ng Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 5:3-12, isang bahaging pinamagatang "Mga Mapapalad")[6] at sa Ebanghelyo ni Lukas (Lukas 6:20-26, isang bahaging pinamagatang "Ang Mapalad at ang Kahabag-habag").[1][7]

Si Hesus habang nasa isang bundok at ipinapangaral ang mga banal na kapalaran.

Ayon kay Paring Jose C. Abriol, isang tagapagsalin ng Bibliyang Tagalog, walo ang mga banal na kapalaran na binanggit ni San Mateo sa kanyang ebanghelyo, bagaman para kay San Lukas mayroon apat na banal na mga kapalaran at mayroon din namang apat na mga sawingkapalaran. Ayon sa gawi ng pagsulat, nasusulat ang simuno ng pangungusap sa kay San Mateo sa pangatlong panauhan, habang nakasulat naman sa pangalawang panauhan ang kay San Lukas.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Banal na Kapalaran". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa bilang 20, pahina 1521.
  2. Harper, Douglas. "Beatitudes". Online Etymology Dictionary. Nakuha noong 2008-09-09. {{cite web}}: External link in |work= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Blake, Matthew (2008). "Beatitude, kaginghawahan". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Beatitude Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
  4. Gaboy, Luciano L. Beatitude - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  5. Ang Pangangaral sa Bundok, Mateo 5 (Ang Salita ng Diyos)
  6. Ang "Mga Mapapalad", Ang Sermon sa Bundok, mula sa Ebanghelyo ni Mateo sa angbiblia.net
  7. "Ang Mapalad at ang Kahabag-habag", mula sa Ebanghelyo ni Lukas sa angbiblia.net

Mga kawing panlabas

baguhin