Kahaliling pampagtatalik

Ang isang kahaliling pampagtatalik o kapalitang pampagtatalik (Ingles: sexual surrogate) ay isang kasapi ng isang pangkat na nagbibigay ng terapiyang pampagtatalik na nakikilahok sa matalik na ugnayang pangkatawan o pagtatalik at isang pasyente upang makamit ang isang layuning terapyutiko o pagbibigay-lunas. Ipinakilala ng Masters and Johnson ang gawain sa kanilang gawaing hinggil sa Human Sexual Inadequacy (Kakulangang Pampagtatalik ng Tao) noong 1970.

Karamihan sa mga panghalili o pamalit ay mga babae, ilang mga lalaki, at mayroong mga magkakaparehang ikinasal na magkakasamang nagsasagawa ng surogasya o paghalili o pagpalit. Ilan sa mga kahalili ang naghahanapbuhay sa mga lunduyan ng konsultasyon o tanggapang pangpagpapayo habang ang iba ay mayroong sariling mga opisina. Ilan sa mga kahalii ang nag-aalok ng karagdagang mga serbisyo bukod pa sa paghalili katulad ng pagpapayo habang nasa telepono o gawaing-pangkatawan pangseksolohiya (seksolohikal).

Ang karamihan sa mga kahalili ay mayroong katibayang propesyunal o sertipikasyong pamprupesyon sa mga larangan ng seksuwalidad, sikolohiya, o pagpapayo. Nagpapahintulot ito sa mga kahalili na malapitang makipag-ugnayan o magtrabaho kasama ang mga sikyatriko, mga sikologo, mga seksolohista (mga seksologo), at iba pang mga terapista para sa pinakamahusay na mga hangarin ng pasyente. Gumagamit ang mga kahalili ng isang kumbinasyon ng tatlong mga pamamaraan o teknik — pagsasalita o pakikipag-usap, pakikinig, at demonstrasyon o pagpapakita — upang makatulong sa paglutas ng mga suliraning pampagtatalik ng isang pasyente.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin