Kaharian ng Kush
Ang Kaharian ng Kush o Kaharian ng Cush ( /kʊʃ,_kʌʃ/; Wikang Ehipsiyo: 𓎡𓄿𓈙𓈉 kꜣš, Wikang Akkadiyo: Ku-u-si, in LXX Sinaunang Griyego: Κυς and Κυσι; Coptic: Padron:Script/Coptic; Hebreo: כּוּשׁ) ay isang sinaunang kaharian sa Nubia na nakasentro sa kahabaan ng Ilog Nilo sa ngayong Sudan at katimugang Ehipto. Ang rehiyon ng Nubia ay isang maagang duyan ng kabihasnan sa lumikha ng maraming mga masalimuot na lipunan na nagsagawa ng kalakalan at industriya..[6] Ang lungsod-estado ng Kerma ay umahon bilang dominanteng kapangyarihang politikal sa pagitan ng 2450 BCE hanggang 1450 BCE na may kontrol sa Lambak ng Nilo sa pagitan ng una at ikaapat na Katarata ng Nilo na lugar na kasing laki ng Ehipto. Ang karamihan ng Nubia ay sumailalim sa pamumuno ng Sinaunang Ehipto sa Bagong Kaharian ng Ehipto (1550–1070 BCE). Kasunod ng pagguho ng Sinaunang Ehipto sa gitna ng Pagguho ng Panahong Bronse, muling itinayo ng mga Kushita ang isang kaharian sa Napata(modernong Karima sa Sudan. Bagaman may mga pagkakatulad ang Kush sa Ehipto gaya ng pamimintuho kay Amun at ang mga maharlikang pamilya ng Ehipto at Kush nito ay kadalasang nag-asawa sa sa't isa, ang kultura ng Kush ay natatangi sa kanilang pananamit, hitsura at transportasyon,. Si Haring Kashta ay mapayapang naging hari ng Itaas ng Ehipto samantalang ang kanyang anak na babaeng si Amenirdis I ay hinirang na MakaDiyos na Adoratrice ni Amun sa Thebes, Ehipto.[7] Sinakop ni Piye ang Ibabang Ehipto at itinatag ang Ikadalawampu't limang dinastiya ng Ehipto. Ang anak ni Piye na si Shepenupet II ay hinirang na MakaDiyos na Adoratris ni Amun. Ang mga hari ng Kush ay naghari sa Sinaunang Ehipto nang higit sa isang siglo hanggang sa pananakop ng Imperyong Neo-Asirya nito at pinatalik ng Ehipsiyong si Psamtik I ang mga ito. Nang tapusin ang ugnayan ng Kush sa Ehpto, ang kabisera ng kahariang ito ay nilipat sa ,Meroë na kilala ng mga Griyego bilang Aethiopia.
Kaharian ng Kush | |||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
c. 1070 BCE – 550 CE | |||||||||||||||||
Kabisera | Kerma, Napata, Meroë | ||||||||||||||||
Karaniwang wika | Meroitiko, Wikang Nubiano, Wikang Ehipsiyo,[3] Cushitic[4] | ||||||||||||||||
Relihiyon | Sinaunang relihiyong Ehipsiyo | ||||||||||||||||
Pamahalaan | Monarkiya | ||||||||||||||||
Hari | |||||||||||||||||
Panahon | Panahong Bronse hanggang Huling Antigidad | ||||||||||||||||
• Itinatag | c. 1070 BCE | ||||||||||||||||
• Ang kabisera ay nilipat sa Meroe | 591 BCE | ||||||||||||||||
• Nabuwag | 550 CE | ||||||||||||||||
Populasyon | |||||||||||||||||
• Yugtong Meroite[5] | 1,150,000 | ||||||||||||||||
| |||||||||||||||||
Bahagi ngayon ng | Sudan Ehipto |
Mula ika-3 BCE hanggang ika-3 siglo CE, ang hilagang Nubia ay sinakop at naging bahagi ng Ehipto.Ito ay pinamunuan ng Kahariang Ptolemaiko at Imperyong Romano sa sumunod na 600 taon at nakilala sa mundong Greko-Romano bilang Dodekaschoinos. Ito ay kalaunang muling nakontrol ng ikaapat na haring Kushitang si Yesebokheamani. Ang Kaharian ng Kush ay nagpatuloy bilang kapangyarihang sa rehiyon hanggang ika-4 siglo BCE nang ito ay humino at gumuho dahil sa panloob na mga himagsikan sa gitnan ng lumalalanng kondisyon ng klima at mga pananakop ng mga taong Noba. Ang lungsod ng Meroe ay nabihag ng Kaharian ng Aksum na nagwakas sa Kaharian ng Kush at nahati sa taatlong politiyang Nobatia, Makuria, at Alodia.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Török 1998, p. 2 (1997 ed.).
- ↑ "Dive beneath the pyramids of Sudan's black pharaohs". National Geographic (sa wikang Ingles). 2 Hulyo 2019.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Török 1998, p. 49 (1997 ed.).
- ↑ Rilly, Claude (2019). "Languages of Ancient Nubia". Sa Raue, Dietrich (pat.). Handbook of Ancient Nubia. De Gruyter. pp. 133–4. ISBN 978-3110416695. Nakuha noong 2019-11-20.
The Blemmyan language is so close to modern Beja that it is probably nothing else than an early dialect of the same language.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Stearns, Peter N., pat. (2001). "(II.B.4.) East Africa, c. 2000–332 B.C.E.". The Encyclopedia of World History: Ancient, Medieval, and Modern, Chronologically Arranged (ika-6th (na) edisyon). Boston: Houghton Mifflin Harcourt. p. 32. ISBN 978-0-395-65237-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Society, National Geographic (2018-07-20). "The Kingdoms of Kush". National Geographic Society (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-05-05. Nakuha noong 2020-08-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Török 1998, pp. 144–6.