Kaharian ng Netherlands
Ang Kaharian ng Netherlands (Dutch: Koninkrijk der Nederlanden) malimit na tinutukoy na Netherlands ay isang nakapangyayaring estado, at monarkiyang konstitusyonal na may teritoryo sa kanlurang Europa at sa Caribbean. Ang apat na bahagi ng kaharian — Aruba, Curaçao, Netherlands at Sint Maarten — na tinutukoy na "bansa" (landen sa Dutch), ay lumalahok bilang pantay na magkakatuwang sa kaharian.[1] Subalit sa katunayan, karamihan sa mga pakikipag-ugnayan ng kaharian ay pinangangasiwaan ng Netherlands (na may sakop sa humigit-kumulang 98% ng lawak at populasyon ng kaharian) sa ngalan ng buong kaharian. Samakatuwid, nakasalalay ang Aruba, Curaçao, at Sint Maarten sa Netherlands sa ilang mga bagay gaya ng patakarang panlabas at tanggulan, bagaman mayroon silang takdang antas ng awtonomiya sa kanilang mga parlamento.
Ang malaking bahagi ng bansang bumubuo ng Netherlands (pati na rin ng kaharian) ay matatagpuan sa Europa, maliban sa tatlong espesyal na munisipalidad (Bonaire, Saba, at Sint Eustatius) na matatagpuan sa Caribbean. Ang mga bansang bumubuo ng Aruba, Curaçao, at Sint Maarten ay matatagpuan din sa Caribbean.
Mga Bansa
baguhinKasalukuyang may apat na bansang bumubuo ang Kaharian ng Netherlands na magkakapantay-pantay: Netherlands, Aruba, Curaçao, at Sint Maarten. Tandaang may pagkakaiba ang Kaharian ng Netherlands at ang Netherlands: ang Kaharian ng Netherlands ay ang kabuuang nakapangyayaring estado, samantala ang Netherlands ay isa lamang sa apat na bansang bumubuo nito. Bawat isa sa tatlo sa anim na pulo ng Dutch Caribbean (Aruba, Curaçao, at Sint Maarten) ay ang mga nalalabing bansang bumubuo; samantala ang natitira pang mga pulo (Bonaire, Sint Eustatius, at Saba) ay bahagi ng bansa ng Netherlands na tinutukoy na Caribbean Netherlands.
Bansa | Populasyon (1 Jan 2012) [note 1] |
Bahagdan sa populasyon ng Kaharian |
Lawak (km²) |
Bahagdan sa lawak ng Kaharian |
Pagsisiksikan (tao/km²) |
Source | |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Subdibisyon | |||||||
Netherlands[note 2] | 16,748,205 | 98.32% | 41,854 | 98.42% | 396 | ||
European mainland | 16,725,902 | 98.19% | 41,526 | 97.65% | 399 | [2] | |
Bonaire †‡ | 16,541 | 0.10% | 294 | 0.69% | 46 | [3] | |
Sint Eustatius †‡ | 3,791 | 0.02% | 21 | 0.05% | 137 | [3] | |
Saba †‡ | 1,971 | 0.01% | 13 | 0.03% | 134 | [3] | |
Aruba † | 103,504 | 0.61% | 193 | 0.45% | 555 | [4] | |
Curaçao † | 145,406 | 0.85% | 444 | 1.04% | 320 | [5] | |
Sint Maarten † | 37,429 | 0.22% | 34 | 0.08% | 1,101 | [6] | |
Kaharian ng Netherlands | 17,034,544 | 100.00% | 42,525 | 100.00% | 397 | ||
† Bumubuo sa Dutch Caribbean. ‡ Bumubuo sa Caribbean Netherlands. |
Pagbabago ng mga bansang bumubuo
baguhinPanahon | Mga Bansa | Pagbabago |
---|---|---|
1954 – 1975 | Nilagdaan ang Saligang-Batas ng Kaharian ng Netherlands | |
1975 – 1986 | Nakamit ng Suriname ang kalayaan at naging Republika ng Suriname | |
1986 – 2010 | Humiwalay ang Aruba sa Netherlands Antilles upang maging bansang bumubuo | |
2010 – kasalukuyan | Binuwag ang Netherlands Antilles. Ang Caribbean Netherlands ay naging mga espesyal na munisipalidad ng Netherlands, habang ang Curaçao at Sint Maarten become constituent countries. |
Talababa
baguhin- ↑ The population statistics for the Netherlands proper and the Caribbean Netherlands are for 1 January 2012. However, the statistics for Aruba are for 31 December 2011, for Curaçao for 1 January 2011, and for Sint Maarten for 1 January 2010.
- ↑ The population statistics of the Central Bureau of Statistics for the Netherlands do not include the Caribbean Netherlands (Source 1, 2). The number given here results from adding the population statistics of the Netherlands with those of the Caribbean Netherlands.
Sanggunian
baguhin- ↑ The Charter of the Kingdom was fully explained in an "EXPLANATORY MEMORANDUM to the Charter for the Kingdom of the Netherlands", transmitted to the U.N. Secretary-General in compliance with the wishes expressed in General Assembly resolutions 222 (III) and 747 (VIII). New York, 30 March 1955 (* Ministerie van Buitenlandse Zaken, 41, Suriname en de Nederlandse Antillen in de Verenigde Naties III, Staatsdrukkerij-en uitgeversbedrijf/ ’s Gravenhage, 1956)
- ↑ Central Bureau of Statistics (Netherlands)
- ↑ 3.0 3.1 3.2 Central Bureau of Statistics (Caribbean Netherlands)
- ↑ Central Bureau of Statistics Naka-arkibo 2012-11-13 sa Wayback Machine. (Aruba)
- ↑ Central Bureau of Statistics Naka-arkibo 2012-11-04 sa Wayback Machine. (Curaçao)
- ↑ Department of Statistics Naka-arkibo 2013-05-11 sa Wayback Machine. (Sint Maarten)