Kaharian ng Sahonya
Ang Kaharian ng Sahonya (Aleman: Königreich Sachsen, Ingles: Kingdom of Saxony), ay isang malayang miyembro ng mga estado na kabilang sa mga makasaysayang kumpederasyon ng Napoleoniko at post-Napoleonikong Alemanya. Simula noong 1871, ito ay kabilang sa Imperyong Aleman. Ang Kaharian ng Sahonya ay naging isang malayang estado sa panahon ng Republikang Weimar noong 1918 hanggang sa Unang Digmaang Pandaigdig hanggang sa pagbitaw sa tungkulin ni Frederick Augustus III ng Sahonya. Ang dating kabisero nito ay sa Dresden, at sa kasalukuyan, ang teritoryo nito ay sakop ng Malayang Estado ng Sahonya.
Kaharian ng Sahonya Königreich Sachsen
| |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1700–1918 | |||||||||
Salawikain: Providentiae Memor "Alalahin ang Kalooban ng Diyos" | |||||||||
Awiting Pambansa: Sachsen Hymne "Preise dein Glücke, gesegnetes Sachsen!/ Purihin ang kaligayahan, o pinagpalang Sahonya!" | |||||||||
Katayuan | Estado ng Kumpederasyon ng Rino (1806–1813) Estado ng Kumpederasyong Aleman (1815–1866) Estado ng Kumpederasyong Hilagang Aleman (1866–1871) Pederadong estado ng Imperyong Aleman (1871–1918) | ||||||||
Kabisera | Dresden | ||||||||
Karaniwang wika | Hilagang Alemang Sahonyano | ||||||||
Pamahalaan | Monarkiyang konstitusyonal | ||||||||
Hari | |||||||||
• 1806–1827 | Frederick Augustus I | ||||||||
• 1904–1918 | Frederick Augustus III | ||||||||
Pangulong-Ministro | |||||||||
• 1831–1843 | Bernhard von Lindenau | ||||||||
• 1918 | Rudolf Heinze | ||||||||
Lehislatura | Landtag | ||||||||
• Mataas na kapulungan | Herrenhaus | ||||||||
• Mababang kapulungan | Abgeordnetenhaus | ||||||||
Panahon | Mga Digmaang Napoleoniko / WWI | ||||||||
• Naitatag | Disyembre 20 1700 | ||||||||
• Binuwag | Nobyembre 13 1918 | ||||||||
Lawak | |||||||||
1910 | 14,993 km2 (5,789 mi kuw) | ||||||||
Populasyon | |||||||||
• 1910 | 4806661 | ||||||||
|
Panahong Napoleoniko at ang Kumpederasyong Aleman
baguhinBago ang taong 1806, ang Sahonya ay bahagi ng Banal na Imperyong Romano, isang matandang samahan ng mga bansa at kaharian na nagmimithing maging isang estado pero naging desentralisado na paglaon. Sa loob ng maraming siglo, ang mga pinuno ng Manghahalal ng Sahonya ay hawak ang titulong manghahalal, o electorate, na siyang bumoboto sa Emperador ng Banal na Imperyong Romano. Noong binuwag ang Banal na Imperyong Romano matapos matalo ni Napoleon I si Emperador Francis II sa Labanan sa Austerlitz, itinaas ang katayuan ng Manghahalal ng Sahonya bilang isang kaharian, sa tulong na rin ng Pransiya. Ang huling manghahalal ng Sahonya na si Frederick Augustus I ang naging unang hari ng bagong kaharian.
Noong matalo naman ang kakampi ng Sahonya, ang Prusya, sa Labanan sa Jena noong 1806, sumali ang Sahonya sa Kumpederasyon ng Rino at nanatili sa samahan hanggang sa buwagin ito noong 1813 kasabay ng pagkatalo ni Napoleon sa Labanan sa Leipzig. Ang Sahonya, na iisa lamang sa mga estadong Aleman na lumaban sa Prusya, ay kaanib ng Pransiya. Pagkatapos ng labanan sa Leipzig, dinakip si Frederick Augustus I at ginawang bilanggo ng mga Pruso, at tinuring bakante na ang kanyang trono kaya sinamantala ng Prusya ang pagsakop sa kaharian. Marahil isa ito sa mga pangarap ng Prusya na idagdag ang Sahonya sa kanilang lupain at isa sa mga isyu sa Kongreso ng Vienna. Sa kadulu-duluhan, ang apatnapung porsyento ng Sahonya, kabilang na ang Wittenberg, ang lugar kung saan nagsimula ang Protestantismo, ay napunta sa Prusya. Kahit na nawala ang karamihan sa kanilang teritoryo, ibinalik pa rin sa trono si Frederick Augustus I. Umanib din ang Kaharian ng Sahonya sa Kumpederasyong Aleman, isang samahan na ang layunin ay pumalit sa Banal na Imperyong Romano.
Ang Digmaang Austro-Pruso at ang Imperyong Aleman
baguhinNoong Digmaang Austro-Pruso, umanib ang Sahonya sa Austriya habang nakita na ang mga sundalong Sahonyano lamang ang sinasabing nagbigay ng tanging tulong para sa Kaharian ng Austriya. Iniwan ng mga sundalo ang Sahonya na walang depensa laban sa hukbo ng Prusya upang humalo sa sandatahan ng Austriya sa Bohemya. Ang estratehiyang ito ay naging mabisa para iwasan ang naging kapalaran ng ibang estado sa hilagang Alemanya, halimbawa, ang Kaharian ng Hanover, na sinakop ng Prusya pagkatapos ng digmaan. Bilang punto ng karangalan, pinilit ng Austriya na huwag nang sakupin ang Sahonya, na pumayag naman ang Prusya. Nang sumunod na taon, sumali ang Sahonya sa Hilagang Kumpederasyong Aleman na pinamumunuan ng Prusya. Pagkatapos ng tagumpay ng Prusya laban sa Pransiya sa Digmaang Pranses-Pruso noong 1871, ang mga miyembro ng Kumpederasyon ay inayos ni Otto von Bismarck upang buuin ang Imperyong Aleman habang si Wilhelm I ang unang emperador. Si John I, ang kasalukuyang hari ng Sahonya ng mga panahong iyon, ay nagpakita ng katapatang umanib kay Wilhelm I. Kagaya ng ibang prinsipeng Aleman, bagamat sakop na ng Emperador ng Alemanya, ay napanatili ang kanilang karapatan bilang isang malayang estado, gaya ng pagpasok sa mga relasyong diplomatiko sa ibang mga estado.
Pagwawakas ng kaharian
baguhinAng apo ni Wilhelm I na si Kaiser Wilhelm II ay nagbitiw sa puwesto noong 1918 pagkatapos na matalo ng Alemanya sa Unang Digmaang Pandaigdig. Nagbitiw din sa tungkulin si Frederick Augustus III ng Sahonya at ang kaharian ay naging Malayang Estado ng Sahonya sa loob ng bagong-tatag na Republikang Weimar.