Ang kahong koreo[1][2][3] o post office box (PO Box) ay ang tanging-tanging pahatirang kahong naikakandado na matatagpuan sa koreo.

Mga kahong koreo sa lobby ng isang koreo sa Estados Unidos

Sa maraming bansa, lalo na sa Aprika at Gitnang Silangan, walang 'door–to–door' na paghahatid ng koreo. Halimbawa, kung ay isa ay magpapadala ng koreo sa isang pahatirang kalye sa Namibia, ibabalik ito sa nagpadala bilang 'hindi maipapadala'.[4] Samakatuwid, ang pag-upa ng kahong koreo ay ang tanging nakasanayang paraan upang makatanggap ng koreo sa mga naturang bansa, ngunit ang ilan, gaya ng Jordan, Ehipto at Lebanon ay inuumpisahan na ang paghahatid sa mga bahay.[5]

Sa pangkalahatan, ang mga kahong koreo ay inuupahan ng buwanan hanggang taunan sa koreo ng mga indibidwal o ng mga negosyo, at ang halaga ng upa nito ay nakasalalay sa laki ng kahon. Karaniwang higit na mahal ang mga kahong koreo sa mga sentro ng kalakalan kaysa sa mga kanayunang kahong koreo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Process Improvement (Philippines) Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine.." IDRC Development Research Information System. Hinango noong 2014-09-08.
  2. "NSDB Office Circular No. 22, Series of 1979 Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine.". Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Agham. Hinango noong 2014-09-08.
  3. NSDB Office Circular No. 015, Series of 1979 Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine.." Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Agham. Hinango noong 2014-09-08.
  4. "Africa". Columbia.edu. Nakuha noong 2009-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Universal Postal Union. "Jordan". Upu.int. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-12-15. Nakuha noong 2009-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)