Kakapusan (ekonomiya)

tandaan
(Idinirekta mula sa Kakapusan)

Ang salitang Kakapusan ay isang problema hinggil sa ekonomiya ng pagkakaroon ng walang hangganang pangangailangan sa bansa o mundong mayroong limitadong likas na yaman. Sinasabi nito na ang lipunan ay mayroong kapos na sanay ito kayamanan o kagamitan upang matupad ang mga pangangailangan ng mamamayan. Bilang resulta, hindi rin maaaring matupad ang lahat ng hangarin ng lipunan sa magkasabay na panahon. Dahil dito, may konseptong trade-off, kung saan tinitimbang ang kagandahan nang supply ng isa sa iba.

Kakulangan sa larangan ng Ekonomiya

baguhin

Ang merkansya o kalakal (o serbisyo) na madalang o kakaunti ang pinagkukunang yaman. Ang ibang merkansya o goods ay tinatawag na free goods kung sila ay ninanais kahit sila ay sagana tulad nang hangin at nang tubig-dagat. Ang pagiging sobra-sobra sa iisang bagay na libre at medaling kunin ay matatatawag na isang bad, ngunit ang kanyang kakulangan o ang pagkawala ay maitatawag na good.

Ang mga ekonomista ay pinagaaralan kung papaano gumagalaw ang lipunan upang ilaan ang mga kayamanan at kagamitan na ito—kasama na kung papaano nabibigo ang mga lipunan sa pagkamit nang tamang inepisiya.

Halimbawa, ang prutas tulad nang chico ay napapanahon lamang ang kanilang pagusbong sa merkado pagkat sila ay tumutubo at namumunga sa iilang buwan sa bawat taon. Kapag ang dami nang chico sa merkado ay mababa, sila ay maaaring kakaunti lamang at bibihira, at hindi laging pwedeng mapakinabangan o gamitin. Kung may sapat na dami nang tao ang may gusto nang chico kapag walang supply ng strawberry sa merkado, doon ay tataas ang demanda kaysa sa nasupply na dami, saka nagkakaroon nang isang shortage o kakulangan.

Iilang merkansya ang laging may kakulangan sa merkado, isang halimbawa ay ang lupain. Ang mga bagay na ito ay sinasabing nagtataas ang halaga dahil sa kakulangan nila sa merkado. Kahit sa isang theoretical na post scarcity society o isang lipunan matapos ang isang malawakang kakulangan, iilang merkansya, tulad nang magagandang lupain at mga orihinal na piraso nang sining ang mananatiling may kakulangan. Eto ay isang halimbawa nang artipisyal na kakulangan, na isang repleksiyon ng instituting lipunan.