Kalamnang rectus abdominis
Ang kalamnang rectus abdominis o masel na rectus abdominis ay isang kalamnan o masel sa katawan ng tao. Karaniwan itong tinutukoy bilang "tiyan" o "puson", iyong abs (literal na "mga tiyan" o "mga puson") sa Ingles, mula sa salitang abdominals o "mga masel na pangtiyan" o "mga kalamnang pampuson", mula sa salitang Ingles na abdomen). Isa itong tambalan ng o magkaparis na masel na tumatakbong patayo o patindig (bertikal) mula sa pang-ibabang dibdib hanggang sa rehiyong pubiko (rehiyon ng singit).
Tinatawag din ang rectus abdominis bilang "anim na pakete" o six pack sa Ingles. Ang magkaparehang masel na ito ay nakalatag sa magkabilang gilid ng anteryor o pangharapang dingding ng puson ng tao, pati na rin sa iba pang mga hayop. Mayroong dalawang magkahanay (magkahilera o magkaagapay) na mga masel, na pinaghihiwalay ng isang panggitnang pangkat ng mga nag-uugnay na tisyung tinatawag na Linea alba o "puting guhit". Umaabot ito mula sa symphysis pubis (tinatawag ding pubic symphysis sa Ingles, na may kahulugang "taluktok ng singit" o "tugatog ng singit") sa ibaba hanggang sa xiphisternum/proseong xiphoid at mas mababang kartilahiyong kostal o butong-murang panggulogod (ika-5 hanggang ika-7) sa ibabaw.
Mas nasa itaas kaysa sa arkuwadong guhit (naka-arko, nakayuko, o nakahukod na linya; nakabaluktot na katulad ng pagbaluktot ng pana), ito ay nakapaloob sa balambang rektus o sahang rektus, tinatawag na rectus sheath sa Ingles.
Ang rectus ay karaniwang nasasalansangan o tinatawiran ng tatlong mahihibalang mga pangkat na pinagdurugtong ng malilitid na mga salikupan. Habang ang "anim na pakete" ay ang pinaka pangkaraniwang kumpigurasyon o kaayusan ng mga kalamnan o masel ng puson ng rectus, mayroong umiiral na bihirang baryasyong pang-anatomiya na nagreresulta sa anyo ng walo ("walong pakete" o eight pack sa Ingles), sampu, o asimetrikong pagkakahanay (hindi magkakapantay) ng mga segmento. Ang lahat ng mga baryasyon o kaibahang ito ay pangtungkuling magkakatumbas.
Tungkulin
baguhinAng rectus abdominis ay isang mahalagang kalamnan na pampustura o pangtikas. Responsable ito para sa pagbaluktot ng gulugod na lumbar (gulugod na pang-ibabang likod), katulad sa pagsasagawa ng ehersisyong "paglangutngot" o "pagpisil" sa puson ("pagpiga" sa tiyan), na nakikilala sa Ingles bilang crunch. Ang kulungang tadyang ay itinataas papunta sa kung nasaan ang balakang kapag nakapirmi ang balakang, o ang balakang ay madadala papunta sa kulungang tadyang (panlikurang pagtikwas o pagkiling ng balakang) kapag nakapirmi ang kulungang tadyang, katulad ng sa pagsasagawa ng isang pag-aangat ng binti at balakang. Ang dalawang ay madadala ring magkasama nang sabayan kapag ang mga ito ay nakapirmi.
Ang rectus abdominis ay tumutulong sa paghinga at may ginagampanang mahalagang gampanin sa respirasyon, partikular na kapag ang isang tao ay nahihirapan sa paghinga (nakakaranas ng tinatawag sa Ingles bilang dyspnea). Tumutulong din ito sa pagpapanatiling hindi natitinag ng mga organong panloob at sa paglikha ng presyong intra-abdominal (presyong nasa loob ng puson), katulad ng sa kapag nag-eehersisyo o nagbuhuhat ng mabibigat na mga pabigat, habang nahihirapan sa pagdumi (puwersadong pagpapalabas ng tae sa butas ng puwit), o kaya habang nagaganap ang parturisyon (panganganak).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.