Kalang Bunsen
Ang kalang Bunsen o lutuang Bunsen (Ingles: Bunsen burner, literal na "pangsunog na Bunsen") ay isang pangkaraniwang kagamitang panglaboratoryo na nakagagawa ng isahang bukas na apoy na ginagamitan ng gaas, na ginagamit sa pagpapainit ng mga kimikal, sa isterilisasyon, at sa kombustiyon. Tinatawag din itong pugong Bunsen, kusinilyang Bunsen, o mitserong Bunsen. Pinangalanan ito mula sa kimikong Alemang si Robert Wilhelm Bunsen, bagaman hindi siya ang umimbento nito. Pinainam lamang ni Bunsen ang kalang ito. Si Michael Faraday ang orihinal na nagpaunlad ng kusinilyang ito. Noong 1547, mayroon pang isang uri ng pugon na katulad ng lutuang Bunsen, na tinatawag na butt burner.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika at Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.