Kalat

basurang maling itinapon sa hindi naaangkop na lokasyon

Binubuo ang kalat ng mga basura na hindi itinapon nang tama, nang walang pahintulot, sa isang hindi angkop na lokasyon. Maaaring gamitin ang pandiwang magkalat upang tumukoy sa paglaglag at pag-iiwan ng mga bagay, kadalasang gawang-tao, tulad ng mga latang aluminyo, mga basong papel, mga pambalot ng pagkain, mga kahong karton o mga boteng plastik sa lupa, at iiwanan lang ang mga ito roon o para maitapon pa ng mga ibang tao sa halip na magtapon ang mga ito nang tama.

Kalat sa Estokolmo, Suwesya

Paminsan-minsan, itinatambak ang mga malalaki at mapapanganib na basura kagaya ng mga gulong, de-kuryenteng kasangkapan, elektronika, baterya at malalaking sisidlang pang-industriya sa mga liblib na lugar, kagaya ng mga pambansang kagubatan at iba pang pampublikong lupain.

Ang kalat ay isang uri ng epekto ng tao sa kalikasan at nananatiling malubhang problema sa kapaligiran sa maraming bansa. Maaaring umiral ang mga basura sa kapaligiran nang mahabang panahon bago mabulok at maaari ring maidala sa malalayong distansya papunta sa mga karagatan ng mundo. Maaaring makaapekto ang kalat sa kalidad ng buhay.

Upos ng sigarilyo ang pinakakinakalat na bagay sa buong mundo—4.5 trilyon ang naitatapon bawat taon.[1] Maraming iba't ibang tantiya kung gaano katagal mabulok itong mga upos, mula 5 hanggang 400 taon para sa ganap na pagkasira.[2][3]

Plataporma ng estasyong Strathfield sa Sidney, Australya. Kalat na naipon sa paglipas ng ilang buwan o kahit ilang taon dahil sa pambihirang paglilinis nito.
Kalat sa isang kanto sa Germantown, Maryland, na iniwanan ng mga manlilimos.
Isang maliit na lambak ng ilog sa Indiya na nagpapakita na may napakaraming kalat na plastik at papel. Dahil sa dumi ng tao, na inilarawan ng lalaking umiihi, tumataas ang antas ng koliporme at iba pang bakterya sa tubig.
Pagkakalat sa kalikasan

Bukod sa sadyang pagkakalat, di-sinasadya ang halos kalahati ng kalat sa mga daanang Amerikano. Kadalasan, ito ang mga labi o debris na nahuhulog sa mga basura na hindi itinapon nang maayos, mga sasakyang nangongolekta upang magresiklo at mga pik-ap.[4] Kabilang sa mga kilalang salik na may kaugnayan sa pagdami ng kalat ang antas ng populasyon, densidad ng trapiko at pagkakalapit sa mga pagtatapunan ng basura.[5][6][7][8][9]

Ang ilegal na pagtatambak ng mapanganib na basura ay maaaring bunga ng gastos sa pagtatapon ng mga materyales sa mga itinalagang lugar: naniningil ang ilan sa mga ito ng bayad para magdeposito ng mga mapapanganib na materyales.[10] Posibleng nakakawalang-gana magtapon sa tamang lugar kung walang malapit na pasilidad na tumatanggap ng basurang mapanganib. Bukod pa rito, maaaring sanhi rin ang kawalang-kaalaman sa batas ukol sa tamang pagtatapon ng mapanganib na basura.

Ayon sa isang pag-aaral ng VROM, isang organisasyong Olandes, inaangkin ng 80% ng tao na "nag-iiwan ang lahat ng pirasong papel, lata o iba pang bagay sa kalye".[11] Mas nagkakalat ng basura ang mga kabataan mula 12 hanggang 24 na taong gulang kumpara sa karaniwang (Olandes o Belhikong) tao; 18% lamang ng mga taong palaging nagkakalat ng basura ay 50 taong gulang o mas matanda. Subalit, sa isang 2010 surbey ng pagkakalat sa Maine, New Hampshire at Vermont sa Estados Unidos, 5% lamang ang mga nagkakalat na may edad na 55 o higit pa. Tinantiya rin ng pag-aaral na iyon na 78% ng nagkakalat ay lalaki.[9] Ang mga organisasyon kontra sa kalat, kagaya ng mga kaakibat ng Keep America Beautiful, at ng Bay Area Stormwater Management Agencies Association, ay nakatuon sa pagtuturo sa mga kabataan ng wastong pagtatapon ng basura.[12][13][14] Nagbibigay-daan ang pabaya o maluwag na pagpapatupad ng batas sa ugali ng pagkakalat. Kabilang sa mga ibang sanhi ang mga sagabal, pagmamarapat at kalagayan sa kabuhayan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Novotny, T.E. & Zhao, F. (1999). Consumption and production waste: another externality of tobacco use [Basura ng pagkokonsumo at produksiyon: isa pang eksternalidad ng paggamit ng tabako] (sa wikang Ingles). Tobacco Control, 8, 75-80.
  2. "Littering Information" [Impormasyon sa Kalat] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2012. Nakuha noong 2013-02-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Umweltthemen Zigaretten" (sa wikang Aleman). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-12. Nakuha noong 2020-01-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Greve, Frank. "Mcclathydc.com". Mcclatchydc.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-05. Nakuha noong 2012-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Erplanning.com" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2020-09-24. Nakuha noong 2012-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "NJClean.org" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-02-16. Nakuha noong 2012-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Debris Wreaks Havoc on the Road - ABC News" [Debris, Naghahasik ng Lagim sa Kalsada - ABC News] (sa wikang Ingles). Abcnews.go.com. 2007-05-15. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-28. Nakuha noong 2012-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Leigh, Patricia (2007-05-11). "Highway Debris, Long an Eyesore, Grows as Hazard - NYTimes.com" [Mga Debris sa Haywey, Matagal Nang Pangit Tingnan, Lalong Napapanganib]. New York Times (sa wikang Ingles). California. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-11. Nakuha noong 2012-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 "Northeast 2010 Litter Survey, Retrieved 2012.05.16" [2010 Surbey ng Northeast sa Kalat, Nakuha noong 2012.05.16] (PDF). njclean.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 16 Pebrero 2017. Nakuha noong 27 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Illegal Dumping Prevention Guidebook" [Giya sa Pagpigil sa Ilegal na Pagtambak] (PDF) (sa wikang Ingles). 29 Enero 2013. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2013-04-27. Nakuha noong 2013-02-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Volunteers Pick Up Litter in Sabana Park" [Mga Boluntaryo, Nagpulot ng Mga Kalat sa Liwasang Sabana] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-13. Nakuha noong 2013-02-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "BASMAA Five-Year Regional Strategic Outreach Plan: Litter" [Limang Taon na Rehiyonal na Planong Estratehiya sa Outreach ng BASMAA: Kalat] (PDF) (sa wikang Ingles). Bay Area Stormwater Management Agencies Association. Marso 9, 2011. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Marso 9, 2023. Nakuha noong Disyembre 16, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Clean up your act and bin the litter, say stars" [Ayusin ang kilos at itapon ang basura, sabi ng mga artista] (sa wikang Ingles). Belfast Telegraph. Hulyo 5, 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 16, 2022. Nakuha noong Disyembre 16, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Measuring the Effectiveness of a Stormwater Public Education Campaign: Survey of Practice" [Pagsukat ng Pagkabisa ng Pampublikong Kampanya sa Edukasyon ng Stormwater: Surbey ng Pagsasanay] (PDF) (sa wikang Ingles). California Department of Transportation. Disyembre 4, 2019. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Marso 20, 2023. Nakuha noong Disyembre 16, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)