Kalayaan ng mga mamamahayag

Ang kalayaan ng mga mamamahayag ay ang kalayaan ng pakikipagtalastasan at pamamahayag sa iba’t ibang pamamaraan kasama ang ilang midyang elektronik at mga nailathalang materyal. Kahit na ang ganitong kalayaan ay nagpapahiwatig ng kawalang hadlang mula sa mas mataas na estado, ang pag-preserba nito ay maaaring makamit sa pamamagitan ng konstitusiyonal o ibang ligal na protekisyon.

Bilang respeto sa impormasyon ng pamahalaan, anumang pamahalaan ay maaring magsabi kung anong materyal ang pampubliko o protektado na hindi maaaring ilahad sa publiko base sa klasipikasyon ng impormasyon bilang sensitibo, lihim at pinoprotektahan dahil sa kahalagahan ng impormasyon sa pag-protekta sa pambansang interes. Maraming pamahalaan rin ang mayroong batas o lehislatura ng kalayaan ng impormasyon na ginagamit upang ipaliwanag ang sakop ng pambansang interes.

Ang Pandaigdigang Deklarasyon sa Karapatang Pantao ng Estados Unidos noong 1948 ay nagsasaad na: "Lahat ng tao ay may karapatan sa kalayaan ng opinyon at pamamahayag; kasama sa karapatang ito ang paggawa ng opinyon nang walang humahadlang, at pagbahagi ng impormasyon at kaalaman sa pamamagitan ng anumang midya kahit ano pa ang mga limitasyon."