Kanlurang Imperyong Romano

mga lalawigan sa kanlurang bahagì ng Romanong Imperyo
(Idinirekta mula sa Kanlurang Imperyo Romano)

Ang Kanlurang Imperyo Romano ay ang kanluraning bahagi ng Imperyong Romano, na lumitaw mula sa paghati ni Diocleciano ng imperyo noong 285; ang silangang kalahati ng imperyo ay ang Silangang Imperyong Romano, na tinagurian ng mga makabagong historyador na Imperyong Bizantino.

Western Roman Empire
Kanlurang Imperyo Romano
IMPERIVM·ROMANVM·PARS·OCCIDENTALIS
286–476
Ang Kanlurang Imperyong Romano noong 395.
Ang Kanlurang Imperyong Romano noong 395.
KatayuanKalahati ng Imperyong Romano
KabiseraMilan
(286–402)

Ravenna
(402–476)
Karaniwang wikaLatin
Relihiyon
relihiyong Romano and later Christianity
PamahalaanAutocracy,
Tetrarchy
(293–313)
Emperador 
• 395–423
Honorius
• 475–476
Romulus Augustulus
Consul 
• 395
Flavius Anicius Hermogenianus Olybrius, Flavius Anicius Probinus
• 476
Basiliscus, Flavius Armatus
LehislaturaSenadong Romano
PanahonLate Antiquity
• Paghati ngi Diocletianus
286
• Pagpatalsik kay Romulus Augustulus
476
Lawak
395[1]2,000,000 km2 (770,000 mi kuw)
SalapiFollis for bronze, Siliqua for silver, Solidus para ginto.
Pinalitan
Pumalit
Imperyo Romano
Kaharian ni Odoacer
Dominyo ni Soissons
Byzantine Empire

Nagsimula ang imperyo pagkatapos hatiin ni Emperador Diocleciano ang Imperyong Romano sa kanluran at silanganing bahagi. Nagtatag din siya ng tetrachy upanag mapangasiwaan niya ng mabuti ang dalawang imperyo. Si Theodosius I (379–395) ay ang huling emperador ng naghari sa nagkakaisang Imperyo Romano. Sa kanyang pagkamatay (395 AD), tuluyan ng nahati ang imperyo. Bumagsak ang imperyo sa kanluran sa pagpapatalsik kay Romulus Augustus (isang mang-aagaw o upsurer) noong 4 Setyembre 476 dahil kay Odacer. Si Julius Nepos na lehitimong emperador ay namatay noong 480.

Bagamat panandaliang nasakop muli ng Silangang Imperyong Romano, hindi na muli naitatag ang Kanlurang Imperyong Romano. Dahil sa pagbagsak ng imperyong ito, isang bagong kapanahunan ang nabuo sa kasaysayan ng Europa: ang Gitnang Panahon.

Kasaysayan

baguhin

Ang Permanenteng Paghati sa Imperyo Romano

baguhin

Ang Imperyo Romano ay pinaghaharian ng isang emperador, ngunit sa pagkamatay ni Constantino noong 337, isang digmaang sibil ang sumiklab at nahati ang imperyo sa kanyang tatlong anak. Ang kanluran ay nagkaisa noong 340 at ang buong imperyo ay nagkaisa noong 340 sa paghahari ni Constantius II.

Mas binigyang pansin ni Constantius II ang silangang imperyo, kaya itinuring siyang unang emperador ng Imperyo Bizantino. Sa kanyang pamamahala, ang lungsod ng Byzantium-Constantinopla, ay naging kabisera ng silangang imperyo.

Huling Yugto

baguhin

Sa Labanan sa Ravenna kung saan natalo ang mga natitirang Sundalong Romano, nakuha na ni Odacer ang kontrol sa Italya. Noong 4 Setyembre 476, pinatalsik ni Odoacer ang 14 taong gulang na si Romulus Augustulus. Pinadala niya ang mga royal na kagamitan sa Silangang Emperador Zeno. Itinuring ni Odacer ang sarili bilang tagapaglingkod ni Zeno, at dahil buhay pa ang lehitimong emperador na si Julius Nepos, ginamit niya ang pangalan ni Nepos sa salapi ng kanyang kaharian hanggang sa kamatayan ni Nepos noong 480 AD.

Mga Natirang Territoryo

baguhin

Ang mga tirang territoryo (rump states) ng imperyo ay nagpatuloy sa pagiging Probinsiya Romano na pinangangasiwaan ng kani-kanilang gobernador. Si Julius Nepos ay naghari sa Dalmatia hanggang 480. Si Syagrius ay nangasiwa sa Dominyo ng Soissons hangang sa 487. Ang isang Romano-Moor na lugar ay nabuhay sa Hilagang Aprika na hindi nalulusob ng mga Vandals, at naging bahagi ng Silangang Imperyong Romano nang nilupig ni Belisarius ang mga Bandalo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Taagepera, Rein (1979). "Size and Duration of Empires: Growth-Decline Curves, 600 B.C. to 600 A.D". Social Science History. 3 (3/4): 24. doi:10.2307/1170959.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
 
Ang Kanluran at Silangan imperyo sa kamatayan ni Theodosius I (395 AD). Pula - Kanluran; Asul - Silangan