Kantidad
Ang dami o kantidad ay isang katangian na umiiral ayon sa kalakihan o karamihan nito. Maaring ihambing ang mga kantidad sa pamamagitan ng kung ano ang "mas marami," "mas kaunti," o "pareho" lamang. Maari din ihambing ito sa pamamagitan ng pagtalaga ng isang numerikong halaga ng mayroon yunit ng pagsukat. Isa ang kantidad sa mga pangunahing uri ng mga bagay na kasama ang kalidad, diwa, pagbabago at relasyon.