Kapatagang Europeo
Ang Kapatagang Europeo o Dakilang Kapatagang Europeo sa Europa at isang pangunahing tampok ng isa sa apat na pangunahing topograpikong yunit ng Europa - ang Sentral at Panloob na Mababaw na Lupain.[1] Ito ang pinakamalaking anyong lupa na walang bundok sa Europa, bagaman maraming paltok ang natukoy sa loob nito.
Idrolohiya
baguhinAng mga kapatagan ay pinuputol ng maraming mahahalagang ilog tulad ng Loire, Rin, at Vistula sa kanluran; ang Hilagang Dvina at Daugava na dumadaloy pahilaga sa Silangang Europa at Rusya at ang Volga, ang Don at ang Dnieper na dumadaloy sa timog ng Europeong Rusya.
Talaan ng malalaking anyong tubig
baguhinGeopolitical na kahalagahan
baguhinAng malaking walang patid na patag ng Kapatagang Europeo ay nagbibigay ng napakakaunting heograpikong proteksiyon laban sa pagsalakay.[2] Ito ay isang patuloy na suliranin para sa mga estado na ang mga puso ay nasa Kapatagang Europeo, lalo na sa Rusya.[2]