Ang karanasan ay ang kaalaman ng isang tao na nakukuha sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay o gawain o pagpapanood ng ibang taong gumagawa ng isang bagay o ng isang gawain. Isa itong pag-aaral o pagkatuto sa pamamagitan ng mga gawa, galaw, o kilos. Ilang mga pangkat na panrelihiyon at mga paraan ng pagtuturo ang nagpapahalaga sa pagkatuto sa pamamagitan ng karanasan. Halimbawa, kapag may isang taong nais matuto hinggil sa larong ahedres, ang nag-aaral at ang nagtuturo ay maglalaro ng ilang mga laro ng ahedres. Sa pamamagitan ng pagkaranas ng mga kamalian at pagkatuto mula sa mga mali, mas natututo sila sa halip na magbasa lamang tungkol sa paglalaro ng ahedres.

Mga uri ng karanasan

baguhin

Karaniwang hinahati ang karanasan sa apat na mga uri:

Uri Halimbawa
Pangkatawan Isang pisikal na gawaing katulad ng pagsakay sa bisikleta
Pang-isip Isang pangkaisipang gawain katulad ng paglalaro ng ahedres
Pampuso Natututunan mula sa pagharap sa mga sitwasyong pangdamdamin na katulad ng pagiging umiibig
Pangkaluluwa Pagkatutong pang-espiritu sa pamamagitan ng pagdarasal


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.